4x ako nascam last year. Sobrang ingat ko pa naman at di basta basta nagtitiwala.
Babs books. Umorder ako ng 3 books kasi mura. Nakasale daw kasi tapos payment first. ETA 3 mos after umorder. Almost 700 pesos din yun.
Epoy. Nag pre order din ako ng smartphone. Nag down ako 3k. Dami din nascam yun at ngayon ay nagtatago. Buti nabawi ko yung pera ko.
Koybi. Ito naman umutang lang ng 2k kasi na covid siya. Classmate ko siya pero di kami close. Naawa ako kaya pinautang ko. Di pa rin siya bayad gang ngayon.
Lot. 135k na naibayad ko para dun sa lupa. Hindi pala legit na agent yung binayaran ko. Sabi babayaran daw sa katapusan. Katapusan kaya ng ano.










