alay na liwanag
ang kandilang ito’y aking alay sa iyong kalul’wang nahiwalay sa katawan mo nang nahihimlay na maagang nawalan ng buhay
magsilbi sana itong liwanag mo sa madilim na gabi na ito katahimika’y hiling para sa’yo na ‘di pa naibibigay ng panahon
nandirito rin ako dahil sa nalaman iyong kagitingan at katapangan para lamang sa’ting Inang Bayan hinarap mo pati kamatayan
sana noo’y ako’y naroroo’t alam na mangyayari ito sa’yo naitakas kita sana’t naitago buhay mo sana’y naisalba ko
ngunit heto sa hinaharap iyon lang ay isang pangarap mailigtas sa kamay ng kaaway makita kang bandera’y wagayway
ngunit heto ako sa hinaharap maipakikilala iyong pangalan kabayanihan mo’y ipakakalat ipakikilala ka sa buong kabayanan
pag-ibig sa’yo’y idaraan na lang sa pagmamahal sa inang bayan pagkat panahon mo ay lumipas parang larawan nang kumupas










