September 29, 2011. Sa kabila ng pagod at puyat ay on air pa rin sa pagbibigay ng advice si Papa Jack sa mga taong may sugat sa puso. Then tumawag ang second caller, Roxanne ang name niya ( hindi ko na kwekwento ang story niya, sapat na narinig na ito ng mga listeners nung araw na iyon, sana nakinig ka?). Habang humahaba ang usapan nila at nakakapaglabas ng problema ang babae ay nagsalita si Papa Jack ng " Roxanne, Makinig ka"-Basag ang boses ni Papa Jack at umiiyak ng sabihin ito. Hindi ito yung eksaktong sinabi ni Papa Jack pero ito yung esensya. "On behalf of all the boys na niloloko ang kanilang mga asawa at karelasyon. nagso-sorry po ako sa inyo. On behalf of all the boys na hindi inaalagaan ang kanilang mga asawa at karelasyon, humihingi po ako ng tawad. Saludo ako kay Papa Jack, bihira lang ang taong umaako ng kasalanan ng iba para mapagaan ang loob ng isang taong may mabigat ng problema.
Naalala ko tuloy ang kwento ng isang batang babae na nasira ang kanyang laruang manika. Umiyak siya ng umiyak. Nang makita siya ng kaibigan niyang batang babae din. Umiyak din ito ng umiyak ng malaman ang problema ng kaibigan. Umiyak sila ng duet ng maghapon. Nang umuwi ng bahay ang dumamay na kaibigan, tinanong siya ng nanay niya kung bakit namumugto ang mata niya. Sabi niya nakita niya ang kanyang kaibigan na umiiyak, hindi niya mapatahan, kaya sinabayan na lang niya sa pag-iyak hanggang sa tumahan.
Kagaya ni Papa Jack, hindi man niya personal na kakilala ang mga callers niya, pero once na tumawag ka, kaibigan ka na niya. And all of his point of view and advice ay galing sa isang totoong kaibigan.
Gabi-gabi anim o limang tao lang ang nakakausap at natutulungan ni Sir John. Kaya para sa lahat ng tunay na kaibigan, sana huwag tayong magsawang magbigay ng tenga at maging papa jack sa mga kwento ng ating mga problemadong kaibigan. Minsan kahit wala ka mang mabigay na payo, sapat na yung makinig ka lang. Kung tatanggalin mo ang tenga mo at pagdidikitin magkokorteng puso, ibig sabihin once na inofer mo ang tenga mo para mo na ring inofer ang puso mo dun sa tao. Yan ang dahilan kung bakit dalawa ang tenga at isa lang ang bibig. Malaking bagay na rin kung may makakausap ang taong problemado.
Mabuhay ka Sir John Gemperle.