
seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from France
seen from United Kingdom
seen from Canada
seen from Germany
seen from China

seen from United States

seen from Brazil

seen from United Kingdom
seen from United States

seen from United States
seen from Costa Rica
seen from United States
seen from United States
seen from China
seen from United States
6 Things I realized after watching Paubaya M/V by Moira Dela Torre
______________________________________________
OO.1 | Hindi nakakatuwang mag-biro ang tadhana. Masakit. Nakakapanlumo. Malungkot.
Masakit dahil kahit anong gawin mong iyak, mahirap kalabanin ang tadhana, hindi mo siya kayang salungatin. Nakakapanlumo dahil alam mong wala kang magagawa, hindi mo, o niya kasalanan na naubos na ang pag-ibig. Wala kang pwedeng sisihin na natapos na ang lahat. Nakakalungkot na wala kang pamimilian kundi pagtanggap o pagkamuhi, at madalas pareho lang sila ng binibigay na sakit.
OO.2 | Madalas taksil ang mga pangako, madali nila tayong madaya. Nakakagago. Nakakadismaya.
Mas magaling kasi mangako ang mga taong nagmamahal, at mas mabilis mapaniwala ang mga taong masaya na nakakatanggap ng pagmamahal. Totoong mass mabilis tayong ma-uto, at minsan pumapayag tayong magpa-uto. Hindi natin ito kasalanan. Dalawa lang madalas ang hantungan ng mga pangako: ang mapanindigan ang mga ito o ang mabitawan kasabay ng taong ginawan mo ng pangako. Kayang kaya tayong dalhin ng mga salita sa panandaliang pakiramdam ng saya, pero taksil ito dahil kaya rin tayo nitong wasakin kung gugustuhin niya.
OO.3 | Totoo ang pagmamahal na marunong magpatawad. Kuntento. Magaan. Masaya.
Isang beses tinanong ko ang sarili ko kung bakit kahit alam kong mapapagaan ng pagpapatawad ang pakiramdam ko, hirap pa rin akong gawin. Ang sagot lang na nakuha ko ay dahil siguro, sadyang hindi ito madaling ibigay. Minsan, kailangan natin ng panahon para magdesisyon at madalas kailangan natin ng mahabang oras para maging handa. Pero naisip kong ang totoong nagmamahal, bago pa man siya gawan ng kasalanan ng taong mahal niya, may parte sa puso niya na nagpatawad na agad. Natatagalan lang dahil ang nangangailangan na lang ng panahon ay ikaw, at kung handa ka na bang sabihing pinapatawad mo siya.
OO.4 | Hindi kailanman naging madali ang magpaubaya ng isang bagay na minsan nang naging sa'yo. Hindi rin madali maging matapang.
Kung nagawa mo nang magpaubaya, napaka tapang mo; at isa ka sa mga taong kinatatakutan ko. Hindi ibig-sabihin nito na ikaw ang sumuko, na ikaw ang naunang maubusan ng pag-ibig, o ikaw ang mas duwag dahil hindi mo piniling ipaglaban ang alam mong sa'yo. Nagpaubaya ka dahil tanggap mong hindi siya sa'yo magiging masaya, na hindi ka isang bagay na ginagamit lang na dahilan para sumaya. Dahil alam mong hindi ka nagkulang, binigay at kaya mo pang ibigay ang lahat. Dahil alam mong 'yon ang tamang gawin, at mas alam mong hindi ka nabubuhay nang mayroong kahati. Kung kaya mong gawin ito, alam mong nararapat sa'yo ang mundo ngunit hindi ito nararapat sa iyo.
OO.5 | Nauubos ang nagmamahal, pero hindi nauubos ang pagmamahal. Marami ka pang kaya ibigay.
May mga taong nauubos, pero walang taong nauubusan ng pag-ibig. Nauubos ang taong nagmamahal dahil iniisip niyang natatapos ito sa kung hanggang saan lang ang kaya niyang ibigay. Love's ability goes beyond that. Ang totoong nagmamahal ay natuto munang magmahal ng sarili. At kung totoong minamahal mo ang sarili mo, hinding hindi ka mauubusan ng pag-ibig.
OO.6 | Makakabangon ka ulit. Walang duda.
Hindi natatapos ang lahat sa natapos na pag-ibig. Kahit gaano pa kabigat, kahit gaano ka pa patayin ng sakit, makakabangon at makakabangon ka ulit. Sa paraang alam mo na dahil sinanay ka na ng panahon, sa pinili mong paraan ng pagkalimot, o sa kung paano mo man pinilit gamutin ang lungkot.
Walang sigurado pero minsan, kailangan mo lang maniwala. Kasi minsan, maniwala ka lang, sapat na.
Love You To The Stars And Back, 2017
Love You To The Stars and Back: 5 Reasons Why It’s a Tear-jerker
1. Hindi mo kailangan ng jowa para manood nito. Hindi rin ito pabebe or pa-tweetums na napanood mo sa mga previous loveteams. Ito yung pelikulang sasaktan ka sa una, sa pangalawa, sa pangatlo, kahit ilan, pero alam mong sa dulo, sasaya ka.
2. Magkahalong tawa, sakit, lungkot, at saya ang iyong mararamdaman. Hindi mo mafifeel na may kulang sa pelikula o kaya na mag-isa kang nanonood. Ipapadama nito sayo na ang kasiyahan at kahulugan ng buhay ay hindi lang matatamo ng pansarili kundi mas maaapreciate mo ito kapag kasama mo ang mga taong nakapaligid sayo, mga taong mahal ka.
3. Ipaparamdam sayo na ang pag-ibig ay walang pinipiling panahon or estado ng buhay ng isang tao. Ipapaunawa sayo na ang pag-ibig ay kusang sumusulpot tulad ng LBM ni Caloy o ang feisty na ugali ni Mika, at kusang tutubo at magreresulta sa kasiyahan. Ang pag-ibig ay hindi duwag, hindi sumusuko. Walang iwanan, sa taong nagmamahalan.
4. Pelikulang may pang-international na storyline at loveteam na may tunay na chemistry ang espesyal sa pelikulang ito. Hindi mo mararamdaman na awkward ang isang scene or may dull moments. Full package. Ramdam mo yung emosyon ng bawat karakter, walang patapon. I can say it's phenomenal.
5. Isa sa mga pelikulang tatatak sa puso mo tulad ng ginawa nila Popoy at Basha, ang iyakin nila Bobby at Terry o kaya naman ang nakakakilig na tambalan ni Rico Yan at Claudine Barreto. It is worthy to be seen. Walang imposible, kung maniniwala ka.
Pang-all time season ang pelikulang 'to and I'm sure hindi mo makakalimutan ang chant nina Caloy at Mika. Wag mong palagpasin. Hindi mo ikinaganda kung manonood ka lang sa pinirata. Support Filipino films. <3
Wansapanataym Selfie Pa More Sasha No More 29 November 2015
Wansapanataym Selfie Pa More Sasha No More 29 November 2015
Wansapanataym Selfie Pa More Sasha No More 29 November 2015 Wansapanataym (Filipinisation of the English phrase once upon a time) is a Philippine fantasy-drama anthology produced and aired by ABS-CBN. The series aired in 1997 until 2005, then re-aired from 2006 to 2007. On September 11, 2010, the series aired again on ABS-CBN’s weekend primetime block with new episodes, and remakes of past…
View On WordPress
MMK "My Three Lolas" July 25, 2015 Saturday
MMK “My Three Lolas” July 25, 2015 Saturday
MMK “My Three Lolas” July 25, 2015 Saturday
Maalaala Mo Kaya (English: “Would you remember?”; abbreviated as MMK) is a Philippine drama anthology series broadcast on ABS-CBN every Saturday evenings after Home Sweetie Home and before Your Face Sounds Familiar and is hosted by Charo Santos-Concio. It has become the longest-running drama anthology on Philippine television and in Asia. The program…
View On WordPress
Julia Barreto doing HungerGames-Divergent
omg, I think realjuliabaretto can do a something-hungergames-or-divergent role. What dyou think? I saw some of her pictures, and hmm.. It'll be cool
Julia Barreto and Inigo Pascual in a movie
Julia Barreto and Inigo Pascual in a movie
Julia Barreto was thrilled when she was informed to do a movie with Inigo Pascual, Piolo Pascual’s son, saying its like history repeats itself, as her aunt Claudine Barreto and Piolo Pascual has done a movie together in a movie Milan way back 2004.
Julia Barreto and Inigo together in “Para Sa Hopeless Romantic”
Though Julia Barreto has already establish a name in the Industry and slowly overcome…
View On WordPress