Walang sigurado pero minsan, kailangan mo lang maniwala. Kasi minsan, maniwala ka lang, sapat na.
Love You To The Stars And Back, 2017

seen from Malaysia

seen from Malaysia
seen from Germany
seen from United States

seen from Malaysia

seen from Türkiye
seen from United States

seen from Sweden

seen from United States

seen from United States
seen from Türkiye
seen from Hong Kong SAR China

seen from Malaysia

seen from United States
seen from United States

seen from Germany

seen from Türkiye
seen from Venezuela

seen from Sweden

seen from United States
Walang sigurado pero minsan, kailangan mo lang maniwala. Kasi minsan, maniwala ka lang, sapat na.
Love You To The Stars And Back, 2017
When you’re starting to doubt yourself, remind yourself of your purpose and recognize how far you’ve come. ❤️ #magtiwala https://www.instagram.com/p/By63_MvBrqv/?igshid=1dtzrn44x4n7z
Paalala
Nabigyan ako ng pagkakataon na bumalik sa unibersidad kung saan ako nag-kolehiyo. Nakakatuwa. Ang saya bumalik kung saan ka nagmula. Makausap muli ang mga taong dati at patuloy mong nakakasama. Sa lahat ng mga nakausap ko, na-remind ako sa maraming bagay. Mga bagay na mahalaga. Mga bagay na dapat ay patuloy na nagiging paalala:
1. Magmahal ka lang
Very cliché. Pero totoo pala talaga to. Sa huli’t huli kasi, yun ang tatatak sa mga taong makakasama mo. Kung paano mo sila inalagaan, paano mo sila minahal.
2. Mahirap ang buhay, yakapin mo parin
May mga bagay talaga sa buhay natin na walang kasiguraduhan. May mga taong ipapahiram sayo - minsan saglit lang minsan naman matagal. May mga bagahe na kahit anong iwas mo, nakapatong na talaga sa balikat mo. Minsan, akala mo alam mo na kung ano talaga yung pangarap mo at kung paano patatakbuhin yung buhay mo pero yun pala gumagalaw ka lang sa mundong gawa lang ng utak mo. Pero sa oras na matikaman mo ang tunay na mundo, makikita mong sobrang laki pala nito. Sa sobrang laki, minsan mawawala ka. Matatakot ka. Pero kelangan mo lang yakapin ang bawat sitwasyon. Sigurado naman kasing may matututunan ka jan at wala yang tapon. Hindi madali pero kakayanin mo. Kelangan mo lang din maniwala sa sarili mo at sa mga taong naniniwala din sayo.
3. Love is tested when we get disappointed.
Lupet no? Minsan kung sino pa yung mga taong mahal natin, yun pa yung mga taong magiging rason ng hirap para sa atin. Yung mga taong akala mo naiintindihan ka, minsan sila yung mga taong tatalikuran ka. Yung nga taong rason kung bakit patuloy kang lumalaban, minsan sila rin yung magiging rason kung bakit gugustuhin mong sumuko nalang. Pero ang totoo, bali-baliktarin man natin ang mundo, mahal parin natin tong mga tao na'to. At sa mga panahong nadidisappoint tayo, sa mga pagkakataong nasusubok yung pagmamahal na meron tayo, bumalik lang tayo sa rason kung bakit nga ba natin minahal ang mga tao na'to. Wag din nating kalimutang walang perpekto. Yun naman ang mas mahalaga diba? At yun ang isang bagay na totoo. :)
4. Wag mong kakalimutan kung sino ka.
Tulad nga ng sinabi ko, sobrang laki ng mundo. Dadating yung panahon na mararamdaman mo na kinakain ka na ng sistema nito. Pero sana labanan mo. Kilala mo kung sino ka, panghawakan mo yun. Tatandaan mo, ikaw ay espesyal at kakaiba. Di ka pa pinapanganak may plano na sayo ang may likha. Isang planong maganda.
Minsan talaga ang sarap bumalik kung saan ka nagmula. Hindi lang dahil sa mga tao at sa lugar. Babalik ka kasi alam mo na ang nakaraan ay pwedeng magturo sayo kung paano ka uusad.
Ang kwento
Patuloy kong babasahin ang kwento nitong librong sinulat mo. Hindi ko man alaam ang susunod na magaganap sa istoryang 'to, pero maniniwala akong tatapusin mo ito kung paano mo pinlano.
"Ang natutunan ko sa lahat ng ito, Hwag magtiwala sa tao. Dahil hindi mo alam kung sino ang tunay na mabuti at masama. " - Vhong Navarro.
Ang hirap nang magtiwala.
Srsly. Ang hirap ng magtiwala sa tao. Eh kung paulit ulit ka naman kasing sinasaktan or niloloko. Of course, kahit papano madadala ka na. Nadala na ako. Ayoko na agad agad maniwala sa isang tao. Kikilalanin ko muna sila ng todong-todo. To the highest level. Promeeezzzz. Masyado lang talaga siguro akong nagtiwala ng bongga. I trusted them so much. Siguro, next time I'll fall in love. Alam ko na gagawin ko. I've been hurt 2 times. That two times were enough. Siguro masyado akong nagmadali. Ngayon, I'll just prioritize my studies first. Pagaaral ko muna. Naging pasaway lang siguro ako this past few years. Naimpluwensyahan siguro ako ng mga nakapaligid sakin. Ako naman si tanga. Pero now, I've learned a lesson. Ang love, nakakapaghintay. Siguro, crushes were enough. They could be an enough inspiration for my teenage life. Unless.. May dumating na guy which is enough para pagkatiwalaan. Boom. lol! :))
Huwag kang magtanong kung wala kang balak maniwala.
At lalong huwag kang magmahal kung wala ka naman balak magtiwala.
Pwede. o Pwede?
Pwedeng manghiram basta buo mong kukunin.
Pwedeng magsukli basta sakto ang ibibigay mo.
Pwedeng magmahal basta hindi pa sya taken.
Pwedeng magtiwala basta huwag umasa.
Pwedeng mangiwan basta wala ng commitment pa.