Distance (Chapter 16)
“Hoy Hulyeta Antonina Procopia Z. Magalpok!”
Malakas na tawag ni Maqui kay Julie. Bigla naman siyang napalingon sa kaibigan nang ma-realize na nag-space out siya habang kinakausap nito. Nakaupo sila sa gilid ng football field habang nagpapalipas ng oras. Wala na siyang klase ngunit may isang natitirang subject pa si Maqui para sa hapon na iyon.
“Ano ba Maqui, kung ano ano pinagsasasabi mo diyan?! Saka hindi mo kailangan sumigaw,” pagsuway niya sa kaibigan.
Inirapan naman siya nito. “Anong hindi eh kanina pa ako nagsasalita dito, nakatulala ka lang dyan! Okay ka lang ba? Ilang araw ka nang ganyan,” nag-aalalang tanong ni Maqui.
Napabuntong hininga na lang si Julie. Naalala na naman niya yung nangyari, o yung hindi nangyari, sakanila ni Elmo noong gabing malasing siya nang hindi sinasadya. Kahit na masakit at nalulungkot pa din siya na maghihiwalay na ang mga magulang, hindi nya pa rin maiwasang isipin si Elmo.
“Oh, ayan. Puro ka lang buntong hininga. Ano na naman bang problema mo?” Kunwaring naaasar na sabi ni Maqui ngunit alam niyang talagang nag-aalala lang ito sakanya at gustong tumulong.
Well, she already knows that I have a thing for Elmo..
Here goes nothing.
At ikinuwento na nga niya sa kaibigan kung ano ang ilang araw nang bumabagabag sakanya. Tahimik lang ito at nang matapos siya magsalita ay saka lang ito nag-react.
“OH MY GOSH,” nanlalaki pa ang mata ng kaibigan at nagtakip ng bibig.
Hindi alam ni Julie kung matatawa siya dito o maiinis, ang haba ng kwento niya pero ganun lang ang reaksyon ni Maqui.
Hinampas niya ito ng libro sa braso “Ano ba, Maq!”
“Did you really kiss Elmo?! Does that mean you finally acted on your feelings for him?”
“I don’t think you can count that as a kiss,” nakakunot noong sagot niya sa kaibigan. “It ended before it even happened.”
“Hello? Sabi mo nag-touch yung lips niyo for a moment, so anong tawag mo doon? Beso?”
“Almost kiss?” Patanong niyang sagot ulit.
“Almost kiss, almost kiss! Dami mong alam, bes,” natatawang pang-aasar ng dalaga.
Alam na niyang hindi siya huhusgahan ng kaibigan ngunit hindi rin naman ito nakakatulong sa pang-aasar lang nito.
Umirap ulit siya sa katabi. “Whatever, but the point is..” Buntong hininga. “Something almost happened between Elmo and me. And it’s not right. May boyfriend ako, at kapatid pa niya! I don’t even know what that “kiss” meant. Or why it happened.“
Bigla namang nagseryoso si Maqui nang makita nito ang mukha ni Julie at marinig ang panic sa boses niya. Alam niyang alam ni Maqui na nagffreak out na siya. Hinawakan ng kaibigan ang mga kamay niya katulad noong araw na inamin niya dito na naguguluhan na siya sa nararamdaman para kay Elmo.
"Am I a shitty person for almost kissing my boyfriend’s twin brother?” Tanong niya pa sa kaibigan. Para siyang bata na malapit nang maiyak.
Umiling naman si Maqui bilang tugon. “Julie, don’t be too hard on yourself. Obviously, you were intoxicated that night and you were in a vulnerable state dahil nalaman mong magdidivorce na ang parents mo. I mean, we do things without thinking them over when we get too emotional. And Elmo just happened to be around. Besides, you both stopped pero medyo nahuli nga lang.” Tumahimik ito na parang bumubwelo bago nagsalita ulit. “And to answer your question, no, hindi ka masamang tao. One stupid move doesn’t and shouldn’t define you kasi the fact na you’ve been beating yourself over it just meant how good of a person you are.”
Naiintindihan naman ni Julie ang sinasabi ni Maqui, ngunit kinakain pa din siya ng kanyang konsensya. “Then what does that say about me?”
“It says that you’re human and humans are allowed to be confused or make mistakes once in a while,” sagot ni Maqui habang pinipisil ang mga kamay niya. “But do you consider that ‘kiss’ a mistake?”
Gustong umoo ni Julie ngunit hindi siya makapagsalita. Alam niyang mali ang nangyari dahil una sa lahat, pareho silang may ibang kasintahan at mahal niya si Zeke. Pero nakokonsensya man siya sa nangyari ay hindi niya maitatanggi ang tunay na nararamdaman sa sarili.
It’s wrong, and it’s definitely a mistake but.. something about that ‘almost kiss’ felt right.
–
Pumasok na si Maqui sa huling class nito habang siya naman ay nagpasyang maglakad lakad pa sa campus bago umuwi. Naghiwalay sila ng kaibigan na hindi niya nasagot ang huling tanong nito ngunit hindi na rin nagsalita ulit si Maqui dahil alam nito kung gaano pa siya naguguluhan sa mga bagay bagay.
Napadaan siya sa coffee shop sa campus ngunit wala siyang balak pumasok dito, alam niya kasi na hanggang ngayon ay MIA pa rin si Elmo. Higit isang linggo na niya itong di nakikita at wala pa rin siyang balita sa binata maliban sa ilang kwento ni Zeke.
Ang tanging alam niya lang ay nag-away nga si Joie at Elmo kaya umalis ang binata sa sariling condo at bumalik muna sa bahay ng mga magulang nito. Wala daw kasing ibang matutuluyan si Joie malapit sa area kaya ipinaubaya na ni Elmo ang condo nito sa dalaga kahit na hindi sila okay.
Hay. Ang sweet talaga ng mokong na yun. Bakit kaya sila nag-away?
Gaano ba kalaki pinag-awayan nila at kailangan pa ni Elmo mag-move out sa condo niya?
Natanaw naman niyang papasok sa loob si Seb kaya tinawag niya ito.
“Oh, Julie,” kumaway ito sakanya at hindi muna pumasok sa cafe habang naglakad siya palapit sa binata. “Balita?”
“Wala namang bago,” sagot niya pagkatapos ay hindi na nagdalawang isip na magtanong kay Seb. “Kay Elmo ba may balita ka?”
“Ah.. Ako kausap mo ngayon pero si Elmo ang kinakamusta mo?” Natatawang asar nito sakanya.
“Ugh. Okay ka naman oh,” sumenyas pa siya sa buong katawan nito. “Hindi na kita kailangan kamustahin.”
Tumawa lang ito sakanya ngunit nagseryoso din. “Isang linggo na siyang hindi pumapasok dito sa coffee shop, pero ako na kumukuha ng shift nya since kailangan ko din talaga ng pera ngayon. Under renovation kasi yung bar na pinaglasingan mo last week.”
“Wag mo na ipaalala please?” Asar na sabi niya kay Seb. “Kailan mo huling nakita si Elmo?”
“Sa bahay siya nakitulog kagabi pero dahil wala naman kaming bakanteng kwarto sa sofa siya natulog.”
“Bakit sa inyo siya nakitulog?” Nagtatakang tanong ni Julie.
“Uh, nagkasuntukan sila ni Zeke kaya hindi siya umuwi sakanila kasi alam niyang mag-aalala lang parents nila,” kunot noong pagkukwento ni Seb.
“ANO?!”
Zeke didn’t mention that on the phone!
“Yep,” tango lang ni Seb. “So, paano? Pasok na ko sa loob ha, magstart na shift ni Elmo eh,” paalam nito sakanya.
“Sige, pauwi na rin ako. Balitaan mo nalang ulit ako ha? Salamat.”
At nagdesisyon na nga si Julie na pumunta na sa parking lot para mag-drive pauwi ng apartment niya.
–
'Hey, you didn’t tell me na nag-away din kayo ni Elmo?’
Text ni Julie sa kasintahan pagkauwi niya ng apartment. Sumagot naman agad ito.
'Hi, hon. I miss you, too.’
'Sorry. Of course, I miss you. I’m just worried.. Are you okay? Is he okay?’
Bigla naman itong tumawag kaya agad niyang sinagot ang telepono.
Bumuntong hininga muna si Zeke bago nagsalita. “Yes, we threw a punch or two at each other but we’re okay. How did you know? Did you talk to him?”
Sa boses pa lang ng kasintahan ay alam na niyang nakasimangot ito.
“No, nakasalubong ko si Seb kanina. He said Elmo stayed at his house the other night because of what happened,” kwento niya.
“Huh. Here I thought, magsusumbong siya kay Mama.” Narinig niyang sabi ni Zeke.
“Ano bang nangyari?”
Hindi agad nagsalita si Zeke, pakiramdam niya ay nagdadalawang isip ito kung ano ang sasabihin sakanya ngunit nagkwento din naman ang binata.
“He was being an asshole. Sinusubukan ko siyang samahan, damayan at tulungan pero hindi naman niya ako kinakausap ng maayos. I’ve been trying to be there for him for days, hell for years, kahit wala naman akong idea kung anong problema niya, pero ayaw niya mag-open up sa akin. I just became frustrated by day 3, especially I had to drop everything at work but he doesn’t seem to appreciate everything I was doing for him,” mahabang kwento ni Zeke.
Nalungkot naman siya para kay Zeke. Bakas sa boses nito na nasasaktan ito sa ginagawa ng kapatid. Matagal na niyang napansin na medyo closed off nga si Elmo sa pamilya nito ngunit lagi namang masaya si Zeke tuwing nakakasama ang kapatid.
They’re supposed to be tight with each other since they’re twins but Elmo seems to be standoffish at times toward Zeke even though they’re somehow close.
What’s wrong with you, Moe?
Nag-iisip pa si Julie ng sasabihin nang biglang itinuloy ni Zeke ang kwento.
“Then the day before that, tumawag sa akin si Joie at umiiyak siya. She was asking for Elmo to come back to his condo so they could talk. I told Elmo that but he wouldn’t listen then he said things I’d never thought he’d say about Joie.. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanila pero Joie is my friend and he’s being cruel so I punched him before I knew it and he did hit me back but that’s it. Then he walked out,” huminga ito ng malalim bago nagpatuloy. “After that, I just decided I’m done babysitting him. I have a lot of work to catch up on. Bahala na siya, malaki na siya.”
Hindi naman galit ang boses ng kausap ngunit dahil kilala ni Julie ang kasintahan, alam niyang masama pa rin ang loob nito kay Elmo.
“I’m so sorry, Zeke,” iyon na lang ang nasabi niya. “Sana maging okay din ang lahat.”
“Yeah, sana..” Malungkot na sabi nito. “Let’s go out this weekend? I really miss you.”
“Sure, malapit na mag-sembreak so wala na masyadong pinapagawa sa school..”
Nag-usap pa sila ng ilang minuto bago nagpaalam ang binata dahil marami nga itong tinatapos sa office. Habang siya naman ay naiwang nakatulala sa gitna ng apartment niya at iniisip si Elmo, si Joie at si Zeke. Pati na rin ang mga magulang niya. At kung paano nalang biglang gumulo ang buhay niya nitong mga nakaraang buwan.
–
10:56 PM.
Nakahiga na siya sa kama at handa ng matulog ngunit as usual, ang dami na namang tumatakbo sa utak niya. Simula nang matapos ang usapan nila ni Zeke sa telepono ay hindi na naman siya mapakali. Gusto niyang i-text o tawagan si Elmo para ito naman ang kamustahin pero natatakot siya na baka pati siya ay dedmahin lang din ng binata. Lalo na at hanggang ngayon ay naguguluhan pa din siya sa “almost kiss” nila mahigit isang linggo na ang nakalilipas.
Napapikit siya at naalala ang bahagyang pagdampi ng kanilang mga labi noong gabing iyon.
“No, I’m so sorry..”
“I can’t..”
Napaupo siya sa kama at muling napaisip. Naalala niya iyong mukha ni Elmo noong gabing iyon na parang may mabigat itong dinadala na halos naiiyak na ito. Naalala niya din kung paano nito pinagaan ang loob niya nung malaman niyang magdidivorce na ang mga magulang niya kahit hindi talaga sila totally okay. Doon pa lang ay napagdesisyunan na niyang tulungan ito kahit hindi niya alam kung ano ang estado ng pagkakaibigan nila.
He was always there for me whenever I needed someone. So I’m going to be there for him even if he doesn’t seem to need anyone.
Pero nasaan kaya siya?
As soon as naitanong niya iyon sa sarili ay bigla niyang naalala iyong lugar kung saan siya dinala ni Elmo noong birthday niya.
“This is like my hiding place,” naalala ni Julie na kwento sakanya ni Elmo.
I think I know where he is.
Dali daling bumangon na siya at nagsuot na lang ng jacket si Julie. Kinuha niya ang susi ng apartment at kotse at halos patakbong pumunta sa pinto. Pagkabukas niya nito ay nabigla siya nang si Elmo ang bumungad sakanya na akmang kakatok pa lang.
“Elmo!”
Nagulat din ang binata sa biglang pagkakabukas ng pinto at na-out of balance ito papunta sakanya. Kahit alam niyang mas mabigat ito sakanya ay sinubukan niyang saluhin ito kaya pareho silang natumba papasok sa loob ng apartment. Napaibabaw tuloy si Elmo kay Julie at kahit na halos di na siya makahinga sa bigat ng binata ay napansin niya agad na amoy alak at yosi ito.
“Ugh, Jul..” Ungol ni Elmo habang itinutulak ang sarili paangat sakanya. “So–sorry. Okay ka lang ba?”
Sa amoy at pagsasalita pa lang nito ay alam na ni Julie na nakainom na naman ang binata. Nang makaalis si Elmo sa ibabaw niya ay napahiga naman ito sa tabi niya at pumikit. Umupo si Julie at tumitig dito.
“Ikaw, okay ka lang ba? Lasing ka ba?” Kunot noong tanong niya.
“Yes. No, I mean yes but not really. Okay, no! Final answer,” magulong sabi ni Elmo bago ito natawa sa sarili.
Napaikot naman ang mata niya sa binata.
Hay nako! At least I didn’t have to find him.
Tumayo na siya, isinara ang pinto ng apartment at saka iniabot ang kamay niya dito na nakahilata pa din sa sahig niya. “Come on, Moe. Tayo na diyan,” pilit niya sa binata.
Nakapikit pa din ang binata habang itinaas ang kamay at iwinawagayway na parang kinakapa sa hangin ang kamay na inilahad niya. Hindi naman niya maiwasang matawa sa ginagawa ni Elmo. Madalas kasi itong seryoso at madalang ngumiti sa ibang tao kaya naman naninibago siyang makita itong parang wala sa sarili.
Pagkatapos ng ilang minuto sa wakas ay nakabangon na si Elmo at pinaupo ni Julie ang binata sa sofa. Iniwan niya ito saglit para kumuha ng malamig na tubig para dito at natawa na naman siya nang maalala iyong huling beses na nagkita sila. Ganoong ganoon ang sitwasyon pero ngayon si Elmo ang nakainom at siya ang nag-aalaga dito.
Pagbalik niya sa living room ay nakapikit na ulit si Elmo, nakasandal sa likod ng sofa ang ulo at nakabaling ang mukha sa gilid. Inilapag niya ang baso sa table habang tahimik siyang umupo sa tabi nito pero nag-iwan siya ng kaunting space sa pagitan nila at tinitigan lang ulit ang mukha ng binata. Doon niya nakita kung gaano ito kapagod at mukhang walang tulog nitong mga nakaraang araw. Nabakas din niya ang isang malaking pasa sa gilid ng labi nito.
Ito siguro yung dahil sa suntok ni Zeke.
Bahagya naman itong gumalaw at napabalik ang tingin niya sa mga labi ni Elmo. Bumalik sa utak niya ang “almost kiss” nila at alam niyang nag-init ang mukha niya sa hiya. Iniwas ni Julie ang mata sa mga labi ng binata at iniangat ang tingin sa mga mata nito, nakatitig din pala si Elmo sakanya.
“Lasing ka ba?” Sa dami ng gusto niyang sabihin kay Elmo, iyon ang unang lumabas sa bibig niya.
Natawa naman ng mahina ang binata. “No, medyo nakainom lang at nahihilo but I’m almost never drunk,” sagot ng binata.
“Kumusta ka? Okay ka lang ba?” Sunod na tanong niya. Hindi niya na namalayang kinuha niya ang kamay nito na nakapatong sa pagitan nila at hinawakan ito ng mahigpit. “I’ve been worried about you,” pag-amin pa ni Julie. Hindi niya kaya tumitig dito ng matagal kaya ibinaba niya ang tingin sa mga kamay nila.
Madami siyang gustong itanong dito. Gusto niyang malaman kung bakit sila nag-away ni Joie, anong bumabagabag dito, anong sinabi nito kay Zeke kaya sila nag-away, bakit ayaw mag-open up ni Elmo sa pamilya nito. Pero higit sa lahat, gusto niyang itanong kung pareho ba silang may nararamdaman para sa isa’t isa o siya lang ba at anong ibig sabihin nung “almost kiss” nila. Ngunit hindi niya kayang itanong lahat ng iyon sa binata dahil natatakot siya sa isasagot nito o baka ma-realize niya na hindi rin siya ganoon kahalaga dito para mag-open up sakanya.
Sumagot si Elmo habang pinisil pabalik ang kamay niya. “Don’t worry about me. I don’t deserve it.”
Napakunot naman ang noo niya sa sinabi ng binata. Napaangat ulit siya ng tingin at nakita na naman niya iyong expression sa mukha nito noong last time na nagkita sila.
“What do you mean?”
Malungkot na ngumiti lang si Elmo at bahagyang umiling iling ito sakanya. Nang iginalaw nito ang ulo ay doon niya mas napansin ang sugat sa gilid ng labi nito malapit sa kung saan may pasa si Elmo. Binitawan niya ang kamay ng binata at lumapit dito para inspeksyunin ang sugat nito.
“I got into a fight with Zeke,” bulong ni Elmo habang nakatitig lang sakanya. Narealize niyang sobrang lapit na pala ng mukha nila sa isa’t isa.
“Alam ko. He told me..” Dahan dahan niyang hinimas ng hinlalaki ang pasa at maliit na sugat ng binata sa labi.
Hinawakan ni Elmo ang kamay niya at nang akala niya ay tatanggalin nito iyon ay bigla naman siyang hinila nito palapit kaya siya naman ang napatumba sa harap nito pero handa si Elmo at madali siyang nasalo ng binata. Next thing she knew, nakaupo na siya sa ibabaw ng mga hita ni Elmo habang angdalawa niyang tuhod ay nasa magkabilang gilid at nakayakap na sakanya ang mga bisig nito.
“M-moe..”
Hindi alam ni Julie kung anong gagawin o sasabihin sa binata. Alam niyang dapat na siyang tumayo at lumayo dito pero hindi niya rin naman magawa. Nakalagay ang mga kamay niya sa magkabilang balikat ni Elmo habang nakatitig lang siya sa mga mata nito. Ni hindi napansin ni Julie na hindi na sya halos humihinga.
Inilapat naman ng binata ang noo nito sa noo niya at ipinikit ang mga mata. Doon niya na-realize na ganitong ganito din ang pwesto nila isang linggo na ang nakalilipas.
“Relax, bumblebee. Namiss lang kita,” bulong ni Elmo.
Sa oras na iyon, itinigil na lang ni Julie ang pagpprocess sa nangyayari. There’s something about the way he spoke that went straight through her heart. Gusto lang niyang maramdaman si Elmo at iparamdam dito na may isang taong hindi siya pababayaan katulad ng pag-aalaga nito sakanya.
And that someone is me.
I'm probably about to make a colossal mistake but..
Fuck the consequences.
At tuluyan na ngang hinalikan ni Julie si Elmo.













