Last night live conversation with my guy best friend:
Me: eeee pano ga ako makaka-move on kung nakikita ko siya kapag may mga events tayo?
Him: Tanggalin mo yang dalawa mong mata, i-shoot mo sa basurahan para di mo na siya makita. Tapos ang problema!
Me: Magaling pang umuwi ako ng pinas para di ko na sya makita kahit na kailan. diba?
Him: Hindi solusyon yan. dapat nga palagi mo siya makita hanggang sa maging used kana sa sakit hanggang sa dumating ang araw na wala ka ng maramdaman.
Me: ANG HIRAP KAYA! di naman to special feelings lang e. na inlove ako bezmon!
Him: Patay tayo dyan. mahirap nga talaga yan, pero kakayanin mo yan basta gugustuhin mo. Tanggapin mo na lang na yung lang ang meron sa inyo.
Me: Di naman ganon kadali yun e. kung pwede nga lang wala na maramdaman.
Him: Alam mo bata pa kasi siya.
Me: HA? ka age ko lang.
Him: Ganon kaming mga lalaki iba sa inyong mga babae. yung age namin minus 5 years mo, ganon kami mag isip. kung 24 kami edi pang 19 lang pag iisip namin. hindi naman lahat pero karamihan kasi ganon. Samantalang kayong mga babae advance utak nyo masyado.
Me: So ano gagawin ko?
Him: sanayin mo ang sarili mo sa sakit hanggang sa wala ka na maramdaman na sakit.
----------natapos ang usapan---------------------
Tapos maya maya ayun inaasar na ulit nya ako dun sa mahal ko. GRRR.
Pero minsan kaming mga babae mas madami talaga kami natututunan sa mga lalaki, kasi pranka sila, at mas alam nila ang takbo ng pag iisip ng mga katulad nila.












