Ipagpapatuloy natin ang hindi pa tapos na himagsikan ni Andrés Bonifacio.
Pagtatanghal ko ng "pagtatangka sa pagsasataludtod ng himagsikan" sa Malansang Isda #TanggolWikaAtBayan forum ng League of Filipino Students noong Sabado.
Sa ilalim ng isang pamahalaang pinapatay ang sariling mga wika, panitikan, at mamamayan habang nagpapakatuta sa mga interes ng mga imperyalista at ng naghaharing-uri, patuloy tayong lalaban at makikibaka para sa tunay na kalayaan at kasarinlan, para sa isang lipunang pantay-pantay at walang inaapi, at hindi tayo titigil hanggang tagumpay.










