OO madamot ako. OO masungit ako. OO selfish ako lalona pagdating sa mga gamit ko. Pinaka-ayaw ko lang naman kasi sa lahat yung may mga bagay o gamit na nawawala sakin. OO madamot ako. Tanggap ko naman yun. Pero. Anong pake nung nagsasabi nun sakin? Alam ba nila yung dahilan? HINDI naman, kaya wala silang karapatan na manghusga lalo na kung hindi nila alam ang dahilan. May karapatan sila, pero may mga bagay na wala silang karapatan manghusga sa mga bagay na hindi nila alam kung ano ang rason sa likod nito.
Sobrang madamot ako sa mga gamit ko. Kahit yung iba hindi ko naman pera. BAKIT? Kasi ayoko sa lahat nga may nawawala sa akin. Pinaka ayaw ko yung may nababawas sa akin. Feeling ko kasi parang nababawasan yung pagkatao ko kapag may nawawalang gamit ko. Feeling ko parang ninakawan ako ng palihim. Sobrang inis na inis ako kapag may hindi ako makitang gamit ko. Kasi nga, feeling ko para akong ninakawan. Kasi naman ang hirap kayang mawalan nung gamit na pinagkakaingat ingatan mo. Lalo na kapag may hinahanap ka tapos sasabihin pa, “Wala. Hindi ko nakita”. Ay wow. Nakaka-irita kaya yun.
Ayaw ko lang talaga ng may mga bagay na nawawala nalang bigla sa akin.












