Dear Anon X,
Di ko siya ipupublish kasi may nabanggit kang pangalan. Pero alam mo naman siguro na ikaw 'to. :-)
At dun sa tanong mo, mabait naman akong senior 'e. Mabait kami. As in. No sarcasm attached.
Pero minsan, nakakabastos na. I mean, maluwag pa kami kumpara sa mga nauna samin. Kapag kami dumadaan, nakayuko kami. Nangongopo at magalang kami sumagot. Pero kayo, kung magsalita kasi parang magkabatch lang tayo. Nawawala yung respeto bilang ate at kuya.
Isa pa, yung mga post kasi sa group na yun, minsan, sorry kung makaoffend man, walang kwenta. Yung tipong pwede mo naman istatus nalang, pero ipopost mo. O kaya naman yung mga pwedeng i-PM, ishashare mo pa. Nakakagulo lang minsan. Tandaan mo, sa mundo ngayon, bawat galaw at post niyo ay pwede na husgahan ng kahit sino. THE HECK. YUNG CLEVEAGE ISSUE PA NGA LANG E. Madaming kasali sa group na yun 'e. Kapag kino-correct namin kayo, wag sana kayo magalit. Para sa inyo rin yun.
Ayun, sana maintindihan mo yung point naming mga senior.








