April 22nd
Ibang-iba na pala talaga ang mundo kapag grumaduate ka. Parang kang bulag, walang paningin. Hindi mo makita kung saan ka papunta kung anong dapat gawin. Para kang nangangapa sa dilim ng bukas ang iyong mga mata.
Mararamdaman mo yun takot. Kasi iisipin mong, ano ng mangyayari sa buhay ko? Paano ko nga ba ili-live ang life ko? Paano? Kakayanin ko kayang makipag sabayan sakanila? Ewan.
Mararamdaman mo yung lungkot. Kasi hindi na tulad ng dati. Kasama mo ang kaibigan mo sa lahat ng bagay, sa pagkain, sa pagkuha ng requirements, sa pag gala at pag alis ng bahay, sa lahat.
Magiging isang malaking pagbabago ang lahat. Ngayon pa nga lang na iniisip ko na hindi ko na sila makakasama, na lulungkot ako. Na ibang environment na yung gagalawan ko, natatakot ako. Pero, normal naman kasi talaga ang pagbabago. Kasi kung hindi ka magbabago ibig sabihin hindi ka nag-go-grow. Hindi ko alam bakit naiisip ko ang mga to. Pero, masaya narin ako at the same time dahil nandyan yung mga kaibigan kong patuloy na ineencourage ako at sinusuportahan sa gusto ko. Maraming salamat sainyo. Sa pagaadvice at sa lahat ng sinabi nyo pa.
K.






