Read Introduction from the story I KILL MY BREATH [ON-GOING] by mareeyasofi (Sophia) with 2 reads. ongoing, newbie, tro...
This is the HQ photo of my book cover but soon to be replaced if I have finally done writing the story and its plot.

seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from China

seen from Hungary

seen from United States
seen from United States
seen from Brazil
seen from Saudi Arabia
seen from China
seen from Mexico

seen from Romania
seen from China
seen from Romania
seen from United States

seen from United States
Read Introduction from the story I KILL MY BREATH [ON-GOING] by mareeyasofi (Sophia) with 2 reads. ongoing, newbie, tro...
This is the HQ photo of my book cover but soon to be replaced if I have finally done writing the story and its plot.
My first chapter is out now.
This is actually inspired by my sleep paralysis experience that I never knew it was a "sleep paralysis" until I have grown up. Well I hope you and enjoy, have fun and wait for the other chapters. Lovelots!
Read 1. tulog from the story I KILL MY BREATH [ON-GOING] by mareeyasofi (Sophia) with 3 reads. ongoing, newbie, barkada...
pls read guys
Pinagtangkaan Ng Aswang (True Tagalog Horror Story)
Takbo Gising Takbo(Run Wake-Up Run)
Nanlalamig, animo'y sa aking mga kamay at paa ay may dadakama na magmumula sa kung saan anu mang sandali.
Dalawampung minuto bago mag-alas onse ng umaga, napatingin ako sa oras bago muling matulog. Mukhang mahirap sapagkat maalinsangan ang panahon ngunit wala pang isang sandali ay nahimbing.
Sa isang balkonahe, sa ikalawang palapag ng isang gusali na kasinkulay ng pinturang ipinipinta sa mga paaralan, may kausap akong babae. Hindi malinaw kung para saan ang mga ito ngunit magkatabi kami habang ipinapakita niya ang mga papel na isa isa niyang binubuklat. Nang matapos, bigla kong naisipang maglakad at puntahan ang mga silid na mukhang may mga mag-aaral. Mula sa kung saan kami nag-uusap ng babae ay naglakad ako pakaliwa at lumiko pakanan dahil hugis titik “L” ang gusali. Nakita ko ang mga silid, may mga mag-aaral nga at sila ay nag-uusapusap at nag-lalaro. Walang guro sa loob ngunit hindi ko lang marahil napansin. Laking gulat ko nang aking mapagtanto na ang mga bata ay aking mga kamag-aral noong elementarya. Naisip ko bigla ako'y nagbalik sa nakaraan.
Palingon lingon ako sa loob ng silid at may nais makita na hindi alam kung anu o sino. Tanghaling tapat ngunit aking napansin na sa bawat sulok ay iba ang oras. Ang tanghali at umaga ay naghahalo.
Napansin kong sira sira ang mga bintana, pinagtagpitagpi ang pader, lumang luma ngunit maaaninag pa din ang itsura una itong napintahan. Napatanung ako sa aking sarili, hindi kaya’t itong mga paslit na ito na mula sa aking nakaraan ang nagbalik sa kasalukuyan. Kahit ganoon patuloy ako sa paglalakad may nais masulyapan. Maya maya pa ay sa isip ko biglang pumasok na isang paslit ang hinahanap ng sarili ko, ang batang ako.
Gusto kong kausapin ang paslit na ito upang mapagsabihan ng ilang mahahalagang bagay. Mga bagay na dapat maiwasan at mga kinakailangang gawin upang mapabuti sa paglaki at ng ang kinabukasan ay maaliwalas gaya ng pagsikat ng araw sa tuwing sasapit ang magandang umaga. Kahalintulad ng pagnanais na baguhin ang hinaharap ng batang ito na nasa kasalukuyan. Pero bakit, bakit hindi ko makita ang batang ako. Sa bawat paglipas ng bawat sandaling hindi ko nakikita ang paslit, ako'y nababalisa’t nagugulumihanan.
Bago pa man masagot ang mga katanungan napansin kong ang mga bata ay nakatayo na sa harap. Sila ay nakatalikod sa bisara kasama ng dalawang guro na hindi maaninag sa magkabilang dulo para sa isang pagkuha ng litrato. Sa wakas pagkakataon ko na ito upang mahanap ang paslit. Subalit ako ay bigo. Unti unting nawawalan ng lakas ngunit hindi pa ng pag-asa.
Pero sandali may bata! Tumatakbo sa pasilyo papunta sa hagdan pababa. Nakauniporme ito at mukhang tumatakas. Hinabol ko ang batang mistulang nasisiyahan sa pagtakbo kahit walang kasiguraduhan saan patungo. May pagaalinlangan ngunit alam ko sa sarili ko na ako na ang paslit na iyon. Patuloy ko siyang hinabol hanggang makarating sa madilim na sulok kung saan naroon ang hagdan pababa sa unang palapag ng gusaling wari mo'y nasa isa pang palapag ng isa pang gusali.
Nakita ko ang imahe ng paslit unti unting naglalaho, pababa ng pababa. Patuloy ako sa pagsunod hanggang matigilan nang mapansin ang hagdan kung titignan ay hagdan paakyat at putol putol. Hindi ito nakahadlang, buong tapang na tumuloy. Hilung hilo na pero tuloy pa din sa paghakbang sa kadahilanang gustong baguhin ang kinabukasan ng paslit.
Sa wakas! Abot tanaw na ang paslit na napakaliksi. Unti unti ko ng naaabutan pero hindi dahil mabilis ang aking pagtakbo sapagkat ang paslit ay unti unting bumabagal. Nalungkot ako sa halip makaramdam ng saya.
Muli akong napa-isip, may imahe nakadapa at mistulang sanggol na nakakukot sa sinapupunan. Sinubukan kong idampi aking palad sa kanyang mga braso upang yugyugin upang magising subalit nanlaki aking mga mata sa pagkagimbal, takot na takot. Lalo ang takot ay lumaki dahil sa takot na itong ngayon lang naramdaman. Tumayo mga balahibo sa buong katawan, pinagpapawisan ngunit nanlalamig, natigilan at hindi makagalaw, tila nawalan ng hininga. Ang paslit, ang paslit na ako, isa ng sanggol na kaawaawa. Nangingitim ito wala ng hininga at wala ng buhay.
Bakit? Bakit! Bakit?
Luha ay pumatak sa sobrang kalungkutan kasama ng paglaki ng takot na ngayon lang naramdaman.
Ako ay unti unti nawawala. Usok na naglaho sa biglaang pag-ihip ng malakas at mainit na hangin. Ako pala ay nagising na sa tunog ng telepono.
Tahimik.
Nanlalamig, animo'y sa aking mga kamay at paa ay may dadakama na magmumula sa kung saan anu mang sandali.
prl0916 13.45
Multo
Minulto ako kagabi dito sa bahay. Mga around 12 or bago mag-12 midnight na ‘yun. Nagco-computer ako at ‘yung bintana namin, walang kurtina kasi hindi pa tuyo sa pagkakalaba ni mama. Kita ko ‘yung labas, madali at kita ko rin ang reflection ko mula sa salamin. So ‘yun, kung ano-ano lang ginagawa ko sa computer tapos may nakita akong dumaan na black, anino, parang ganun, papunta sa kabilang bahay. Sinundan ko ng tingin sa labas. Sabi ko sa sarili ko baka tito ko lang ‘yun pero napaisip din ako kasi kanina pa ako nagco-computer pero wala namang lumalabas mula sa kabilang bahay tapos paanong may dadaan papunta ‘dun eh tulog na naman sila lola pati sila tito. Naghintay din ako ng sinag ng ilaw kung saka-sakali mang ‘dun nga ‘yun papunta. Kung bubuksan ‘yung pinto, makikita ko ‘yung ilaw. Pero wala, as in wala, may dumaan lang talaga. So ‘yun, medyo natakot na ako pero matapang ko pa ring tinakluban ng kumot ‘yung bintana, pero hindi lahat nasakop nung kumot.
Pag-upo ko ‘pag balik ko sa computer, may narealize ako... Walang dumaan sa labas. REFLECTION ‘yung nakita. Sa likod ko ‘yung dumaan. Kasi madalim nga sa labas eh, paanong may makikita akong black ‘dun. So nung narealize ko nang reflection ‘yung nakita ko, hindi ko pa rin pinansin. Hanggang sa may dumaan sa gilid ko na black at sinundan ko ng tingin. Doon na ako natakot. Diniretso ko nang pinatay ‘yung computer, binunot ko sa saksak (wala eh, nataranta na) sabay takbo ako sa kwarto.
Puta. Wala naman sanang takutan. Pag ako talaga sumigaw dito. Bubulabugin ko lahat ng kapit bahay. Langya kasi inaantay ko si mama dumating, ako lang mag isa ngayon sa 1st floor patay ilaw ditow sa sala sa kusina lang bukas. Tas biglang may pumupukpok o kumakatok. Akala ko si mama kumakatok sa bintana. Pag tayo ko nawala bigla yung tunog. Tapos walang tao sa bintana. Tae talaga. Kausapin niyo ako utang na loob :((