Nung nagsimula akong magtrabaho, doon ko nalaman kung gaano kahirap mabuhay at bumuhay ng isang pamilya. Di ko maisip kung paano kami binuhay ng aming mga magulang. Sabi nga, "Ang taong hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan." Kaya kahit may trabaho na ako, hindi ko pa rin nakakalimutang humingi ng baon sa magulang ko :) Matatamis na ngiti't halik para sa limang araw na malayo sa kanila. At dahil uwian na bukas, nakahanda na ang pasalubong kong matatamis na ngiti at halik, idagdag na ang pasabog na kwento at halakhak. #KeepthePHsmiling

















