I know it’s getting late but I just need to do this. I need to keep writing hanggang fresh pa yung feelings. Okay. Sunday, 31st. Dapat gumagawa akong payroll but I believe that I just really need to meet this guy. Okay, dito naman kasi talaga sa tumblr nag simula ang lahat lahat. Kung paano ko nakilala ang isang @kimpoyfeliciano at kung paano kami naging mag kaibigan. Oo, ike claim ko na, na friends kami.. Bakit ba! Naniniwala ako don. Yung friendship ba na, hindi nyo kailangan lagi mag usap. Pero pag nagkita kayo. YON! GANON!
Okay so.. Here’s the thing. Ang aga ko umalis ng bahay kasi sabi nila 12nn daw GT. Kaloka sila at dahil alam ko na traffic inagahan ko.
12:15 nandon na ako sa area. And pag dating ko wala pa kahit isang sign na may magaganap na event dun sa party zone nila. Nakakaloka kaya. AKala ko naligaw na ako ng lugar na pinuntahan e. I waited. waited.. and waited for more minutes. Hanggang sa may mga nadinig ako na na nagbabanggit ng familiar names. Familiar lang pero hindi ko kilala. So, at least kahit papano nakahinga ako coz of the assurance na dun nga at that I am on the right place.
Moving on.. Let’s skip the part na giniginaw ako kasi grabe yung aircon dun. I just said it..haha Okay so ito na nga. Pag dating nya, grabe yung feeling. Hindi ako lumapit. Tinitigan ko lang sya. Tinitigan ulit. At tinitigin pa din.. Alam ko naman na di ko makakalimutan ichura nya pero I just need to do it. Kailangan ko lang talaga titigin sya.
Special Moment #1
Yung sa second game. Na “Kimpoy Facts” he was mouthing something like “Ano daw yun?” basta parang ganon eh. Dahil nga sa nakatitig ako sa kanya, I said, Facts! Hanggang sa maintindihan nya.
Special Moment #2
Yung ise-serve na yung food. Sabi nung host “Let’s call Lxx to serve the lunch.” Hindi ako yung mag seserve okay. Pero syempre super react ako. Sabi ko, “AKO? Bakit ako?” napansin nya yun e. Natawa din sya e while I am pointing to myself.
Special Moment #3
Lumapit ako nung kumakain na yung iba. Binigay ko yung cake na dala ko tsaka yung ballers ng group namin. Wala pa sya non e. So I gave mine out. Tapos ayon, hinug ko sya. Yung tipong ayaw na pakawalan. Yung hug na kung pwede wala ng katapusan. But it has to end you know.
Special Moment #4
Nung nag pa picture ako at grabe yung yakap ko pa din sa kanya. Yung tipo bang, pwede ba na iuwi na kita? Papakilala na kita sa nanay ko. O wait, kilala ka na nya. Ikaw na lang di nakaka kilala sa kanya..
Pucha, patulugin mo ako Paolo! Pero sana ikaw ang nasa panaginip ko.
Nag i-scroll ako ng posts ko sa tumblr tapos nakita ko yung post ko before nung after na makita kita sa SM Baliwag. NAKAKAMISS! Kahit may sideline ako Pao, ikaw at ikaw pa din ang binabalik balikan ng puso ko. Hindi ko sila magawang mahalin ng kamukha nung pag mamahal ko sayo e. Hindi ko naman sila iniiyakan kamukha ng pag iyak ko sayo. At hindi nila ako napapasaya ng kamukha ng pag papasaya mo sakin dahil sa mga reply mo o sa simpleng KAHIT ANO na ginagawa mo. Hindi nila nagagawa yun. Hindi si James Reid. Hindi si King Certeza. Hindi si Enchong Dee. Hindi si Paulo Avelino. Hindi si Daniel Padilla ang nakakagawa non. IKAW LANG! Jusko Pao. Ano ba ginawa mo sakin? Ilang taon na lumipas ganito pa din e. Mag fafangirl ako sa iba pero sa huli wala.. Ikaw pa din. Miss na miss na kita kimpoyfeliciano
Gusto kita yakapin ulit. I wanna hug you so tight. Gusto ko na maging close tayo. Gusto kita makasama. Gusto ko makakulitan ka. Gusto ko pag nakita mo ako maaalala mo na yung pangalan ko kahit di ko sinasabi. Gusto kita makita. Gusto kita mahawakan. Gusto ko madinig yung boses mo na tinatawag ako. Gusto kita!
Kaya ba single pa din ako hanggang ngayon hinahanda ako ni Lord para sayo?
Hindi ko alam kung weird na sinusulat ko yung iba kong dreams dito sa blog ko. Pero nakakatuwa kasi balikan minsan lalo na yung mga kilig na dreams ko. Okay, yung iba nga hindi kilig e. pero yung pag binasa ko ulit mapapasmile na lang ako na parang "wow, may ganito pala kong panaginip." Usually yung mga panaginip ko na nandito yung tungkol kay Kuya Pao e. Sorry naman sa napapanaginipan ko sya e. Basta pag yan panaginip ko lagi ko sinubukan na maalala kung ano nangyari sa dream ko. Type agad sa phone para di na makalimutan. Ganun katindi! Kasi ang dali lang nya makalimutan talaga. Yun ngang tinype ko agad sa phone may lapses pa minsan sa details e kasi nawawala na sa memory agad.
Playground yata to. Yung may buha-buhangin eh. Di ko nga ala bakit nandito ako e. Trip ko lang. Bakit ba. HAHA. Hindi ako mag isa alam kong may mga ibang tao pa dito. Tapos biglang dumating si Tof sabi nya "Ate Lei, dito ka na titirang Italya?" (parang ganyan eh. di exact words) Nagulat ako bakit andon sya e. Habang tinatanong nya yon pambwisit pa din ichura nya. Alaskador much. Tapos biglang dumating yung mga kamag-anak nya. Okay. Mas nagulat ako lalo. I'm like bakit sila nandito. Ganon kasi feeling. Hindi naman sa hindi sila welcome. Duhh. Welcome sila no. Pero kasi nagulat ako. Wag kayong ano. Edi ayon kumusta-han, Hi-Hello. Then poof. It became Koko Crunch! Nasa bahay na ako ng lolo't lola ko sa bukid. Oyess!
TELEPORT! I am amazing like that. :3 Tapos bigla na lang wala na si Kuya Pao sa tabi ko. Before kami ma teleport sabi ko sa kanya "wait lang ha." Hihinga muna kasi ako. Masyadong overwhelming yung feelings eh. Tapos nung paglingon ko wala na sya bigla. Mag isa na lang ako. Ang tahimik ng paligid pero nasa ilalim ako nung puno ng sampalok. Edi keri lang. Move on ako. Pumasok na ako dun sa bahay. Nakita ko nanay ko nakangiti sakin. Lumapit ako tapos pinapakwento ko kung ano ba pinag gagawa ko. Kung ano ichura ko kanina ganon. Edi ayon nag start na sya magkwento biglang dumating si Kuya Pao. So pinahinto ko si mother sa pagkwento. Medyo si Kuya Pao lang naman kasi yung kinukwento nya diba? Pabitin! Bigla bigla dumadating e. Sabi ko sa kanya "Sandali lang. Maghuhugas akong kamay" di ko alam bakit kailangan ko maghugas ng kamay. I just feel the need to wash it. Tapos edi ayon *hugas hugas* sumunod pala sya sakin. Lumapit. Nasa may gilid ko na sya ngayon. Tapos nakatingin sya. ALL SMILES ang tingin. :D Wag kang ganyan kinikilig ako! Baka di ako umabot ng bukas himatayin yung puso ko. hahaha. Anw, ayon paglapit nya tinanong ko bakit sya naka smile. Mukhang amaze na amaze sya sa paghuhugas ko. Munggago lang diba? Tao ba to o alien? Ngayon lang yata nakakita ng ganito. Pipicture-an nya daw. Sabi ko sige lang. Tapos edi kinuha nya phone nya. SObrang lapit nung phone nya tinulak ko ng konti yung phone using my pointing finger. Masyado kasi talaga malapit. Tapos sabi ko "layo mo ng konti. baka mabasa" Pero bago daw yun selfie muna kami. Nakataas buhok ko nun. Naka pusod kasi sya that time. Sabi ko. Wai tlang. Yumuko ako para alisin yung pusod ko.
Tapos..
Tapos..
NAGISING NA AKO!
KINIKILIG AKO PAG GISING KO. Sorry na! Kilig talagaa.
Bakit ka ganyan? Hindi mo ba alam na ngayon mukha akong gago.
Ang laki ng ngiti ko habang nakatingin sa message mo.
Naisip ko tuloy ang swerte ko nakakilala ako ng isang tulad mo.
Oo, dati hindi tayo madalas magkita.
Alam ko, kulang din naman ako sa effort na makita ka.
Sorry na talaga, hindi ako katulad ng iba.
Pero sana wag mo kalimutan na ikaw ay mahal kong talaga.
Hindi ito isang laro o bola.
Lahat ng sinabi ko ay walang pandaraya.
------------------------------------------
Dear Deh,
Sagad na. Yan na lang kaya kong i-rhyme sa ngayon. Sobrang random lang nyan. Bigla lang kasi ako may napaghugutan ng idea. Inspired biglaan e. Ikaw kasi. Nagscroll ako sa messages ko tapos may nabasa ako. Ano, yung pag nag message ako ang sagot mo sakin, "Yes nak?" Naalala mo ba yon? Tapos meron pang "Thanks Nak! I miss you." Sobrang precious nung mga yan sakin. Marami pa e. Well hindi naman super dami. Pero yung mga simple na may "nak" feel na feel ko kasi yon. Kahit ilang taon lang naman ang gap nating dalawa.
Anyways. Isa pa. Guess what. Narating ko yung last sa messages nating dalawa. And it was June 10, 2011. Exactly 3 years ago! Yun yung ini-add mo yung mga PLs sa fb mo. Sinurprise mo kami! :D Tapos nag message ka dun sa mga na-add mo na para di sabihin sa iba. Kasi surprise nga. Cutieepiee mo. Ayy, may trivia ako sayo. Nag poke wars ka dati diba? Nag send ako ng poke sayo. Di mo nabalik sakin. HAHAHA
Pero mahal pa din kita Deh.. Pramis talagang talaga! Hindi labas sa ilong..