April Fools Day 1
Sabi ko, hindi ako magoonline hanggang april 4 at kung nagawa ko yun, hindi na ako magoonline buong summer. Basta for some reasons, trip kong gawin yun.
Kaso dahil sa isang prank na ginawa sakin ng isang tao, waley!
Akalain mo yun, alas dose ng umaga ng unang araw ng buwang Abril, naloko na agad ako. At dahil dun sa panloloko nyang ginawa, napaonline tuloy ako. Oh diba ang galing nga naman talaga! Tapos nagpaload pa ako ng 50 pesos para matawagan sya. -_-
Pero sa ngayon, may isa na akong naloko. Grabe! Sobrang nakakatawa!
Kasi ganito yun, dahil nga may load ako, nagregister ako ng kung ano man na may tawag sa globe. Gamit ko kasi yung sim ng kapatid ko na si banjo at hindi naman din alam ng kapatid ko na si jorge yung number ni banjo. Kaya may naisip akong plano *insert evil smirk here*
Tinawagan ko si Jorge at kumanta ng lullaby song na "ili - ili". Syempre yung nakakatakot na way. Tapos biglang, pinuntahan kami ni Jorge, nakatowel yung katawan at takot na takot. Hindi ko alam, nasa banyo pala sya at ready na maligo. Hahahahahha! Grabe! natakot talaga sya.
APRIL FOOLS!
Dapat gagawin ko din kay Elora yun kaso naliligo pala sya. Buti pa si Jorge sinagot nya yung phone nya kahit maliligo na sya -_-
Tapos ginawa ko rin yun kay Lorraine, kaso fail! Tinawanan nya lang ako!!!
Tapos gagawin ko rin sana yun kay Katrina kaso di nya sinasagot. Hahaha! Peace Katrina, wala akong maisip na pwedeng i-prank eh. Kaso waley rin kasi di nya sinagot. Tapos nagreply pa sya gamit yung ibang number. Hehehe, dun na lang lumabas yung hiya ko. Hahahah. Katrina, ako yun!
Tapos tinulungan ko rin pala si Jorge na gawin yun sa kaklase nya.
Ngayon naman, may naisipm akong gawin sa isang lalaki naman. hehehhe
Hahahahaha! Sorry Guise!
April Fools!!!!
peace tayo guys, gumanti na lang kayo kaso wag sakin, sa iba okay?!







