How are you?
Yan ang lagi kong tanong sa ibang tao sa tuwing magkikita kami kasi nga hindi masyado nagkikita at nagkaka-usap. Ito ang tanging salitang maiaalay ko upang makapag-umpisa ng conversation, pero ni minsan hindi ko naitanong sa sarili ko ang "how are you?" hindi ko nasabi sa sarili kung kumusta na ba ako matapos ang mahabang panahon na pananahimik ko. Hindi naitanong sa sarili ko kung "kumusta na nga ba ako matapos masira ang puso ko?, Kumusta na nga ba ako matapos maiwanan ng mga kaibigan?" Minsan ko ding naitanong, bakit sila di man lang nila ako nagawang tanungin kung kumusta na ako. Ni hindi ko man lang narinig sa tono nila na nag-aalala sila, pero ang pinakamasakit ay, Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon itanong sa sarili ko ang mga katagang yan dahil sa pagiging abala ko sa pag-iisip ng kalagayan ng ibang tao. Hindi ko naitanong kung kumusta pa ba ako matapos kong matulungan ang iba. Minsan nga tinatanong ko din ang sarili ko, Ako pa ba ito ? Ako pa ba yung taong naging bahagi ng buhay nila? ako pa ba yung taong ako dati nung hindi ko sila naalala? Masakit lang isipin na hanggang ngayon ganito pa din ang pakiramdam ko kasi hanggang ngayon wala pa din akong nakikitang nagpapahalaga sa isang katulad ko.









