Tinutukan ako ng walang kalaban-laban. Huhu!
Sumakay kami nang Tita ko sa Hybrid Bus na halos lalaki ang pasahero, akala ko nga “Men’s Bus” ang nasakyan namin pero keri na rin kasi mukha naman akong lalaki. Charot!
Nung una maluwag pa ang bus at konti palang ang pasahero pero gaya ng malandi mabilis agad dumami. Yung ibang pasahero nakatayo nalang, yung mga lalaking naka upo naman, over sa pagbukaka akala mo binayaran nila yung space na sakop nila eh. Sana ginawa nalang detachable ang betlog ng mga kalalakihan no? Tipong kapag siksikan na sa jeep o bus, itatago nalang nila sa bag yung betlog nila para makatipid sa space dahill sa mga lalaking ayaw maipit ang betlog kaya over sa pagbukaka, tapos tsaka nalang ulit nila ikabit kapag bababa na sila.
Habang pasimple akong nagpupunas ng basang kilikili ko biglang may estranghero na sumulpot sa tapat ko at sa harapan ko pa mismo tumayo si Kuyang naghihimutok ang pants dahil sa sobrang fit. Maya-maya pa, bigla nyang itinutok sa’ken ang b…………………………umubukol na betlog nya and I was like “Kowyahh…. Wag po!! Virgin pa po ako. Huhu!”
Tuwing may madadaanan na humps si Manong Drayber ‘di ko maiwasang isipin na “tumatalbog rin kaya ang betlog netong si Kuya?” Tapos everytime na may bababang pasahero syempre dadaan sa likod nya at si Kuya naman itututok ng malapitan sa’ken ang betlog nya para makadaan yung mga pasahero sa likod. Atras abante ang gawa ni Kuya, ako naman puro pikit. Minsan kapag hindi ko sinasadyang mapatingin parang pakiramdam ko kinikindatan ako ng betlog nya like “Hi Miss! Okay ka lang ba dyan? Hihi”
Sino ang makasalanan sa aming dalawa ni Kuya, ako ba na napatingin o sya ba na itinutok ang betlog sa akin?












