2 weeks. 2 weeks na lang at aalis na kayo. 2 weeks na lang kayo sa Pinas.
Sa loob ng 2 weeks na 'yun, isang araw lang ata tayo magkikita. Di pa nga isang araw 'yun eh.
Is it really happening? Aalis na ba talaga kayo? Na pagbalik ko ng Pangasinan wala na kayo dun na nagwa-walis o nagluluto.
Makakabuti rin naman daw sa inyo. Makakabuti kasi naging magulo na ang buhay. Komplikado na ang lahat. Magulo.
Naalala ko nung nag-post si ate Egin na darating na si tita at aalis na kayo. Nagulat ako at bigla na lang tumulo luha ko. Tinanong ko sa sarili ko kung totoo ba talaga 'yun. Umiiyak ako. Hindi ko alam, hindi ko alam.
Noong umuwi ako, excited akong makita kayo. Mag-usap ng matagal. At na-feel kong sad kayo. At parang hindi pa ready. Hindi ako umimik kasi hindi ko alam sasabihin ko. Oo, malungkot din ako. Sana hindi na lang kasi.
Sa susunod na linggo, uuwi ulit ako at despidida niyo na. Last na ba 'yun? Hindi ko alam. Sana hindi.
It's not the same anymore without you, Nay. I'll miss and I love you. Balik ka dito agad ha? Muahugs nanay!