Linya ng Norte
Panahon na naman ng enrolllment. Pila papuntang town, pila para sa pink form, pila sa form ulit na ipapasa para makuha ang iskedyul. Pero dumagdag ang isang pila para sa mga persyer na tulad ko; pila papuntang Window 10. Kung saan sasabihan ka ni Sir Mike na hindi pa pinasa ng dati mong paaralan ang form 137, at hindi ka makaka-enroll next sem kung wala ito. Kaya sinabi ni Sir Mike na kami na lang ang pumunta sa dati naming paaralan. Naging okay naman kasi wala pang mahaba at makapal na pila ang naransan namin papuntang Window 10. Babalik na naman tayo sa pila ng pagpasa ng form para sa iskedyul. Pagbaba ng gym, bubungad ang pila ng assessment. Pila na mahaba at makapal na umabot na ata sa Mcdo Bonifacio. Dito sa pilang ito ay may tensyon na naganap dahil napasama kami sa pila ng isang ate na kausap ng kasama namin. 11 kaming napasama kay ate kaya medyo nagalit ‘yung nasa likod at harap namin. Pero nakaraos din naman kami kahit may tensyong naganap. Ang mahalaga nakapag-assess kaming lahat. Susunod ay pila para sa pagbabayad. Nakita ko si kaklase pero ang hirap sumama sa kanya dahil unang-una nasa bandang malayo siya at mahahalata kami, pangalawa ay dahil malapit na siya. Kaya hindi na ako sumama sa kanya. Nakita ko ang pinsan ko at sa kanya na ako sumama. Hindi ko na kasama ang mga kaklase ko pero may dalawa pa akong kasama na sumama sa pinsan ko. Mabilis naman ang proseso ng pagbabayad. Sa wakas, ang huling parte na pagpapa-enroll ay ang pag-validate ng ID. Walang pilang naganap dahil siguro nasa iba’t-ibang pila pa ang karamihan ng estudyante.
“Mage-enroll ka ng walang dalang ballpen????” Sabi ni sir windows 10 sa isang estudyante. Naging okay ang lahat dahil kay sir windows 10. Medyo binuo mo ang araw ko sir. At syempre, buong-buo ang araw ko dahil nakita ko ‘yung long-tym crush ko. Isama mo pa 'yung tatlo ko pang crush. Kaya okay na okay ang lahat. Ang kabuuan ng kwento ko ay sumingit kami… at bagsak ako sa nat sc 2 mahusay.















