Di ba friends naman tayo? Tapos na-issue na nagkagusto ka sakin. Nung una alam mo ba nao-awkward talaga ko nun lalo na magkaklase pa tayo, grabeng pang-aasar kasi ginagawa satin ng mga kaklase natin haha buang lang! Tapos yun one time di ko alam, may nagbago na pala. Nagseselos nako sa kasama mong babae eh friend ko pa pero di ko talaga pinapahalata sa iba, ako lang talaga nakakaalam nun. Hanggang naging 4th yr na tayo, gusto pa rin kita, ang pinagkaiba lang may iba ka ng gusto :( saklap </3 niligawan mo pa nga yung kaibigan ko eh hahaha di talaga ko nagpaapekto tapos yun nalaman ko binasted ka. Tinago ko yung nararamdaman ko hanggang sa nasabi ko na rin sa bestfriend ko. Kami lang talaga nakakaalam nun as in. Ngayon ang dami ng nalilink sayo, inaagawan na nila ako joke hahaha May mga pagkakataon talaga na inaasar ka pa rin nila sakin kapag kinakausap mo ko. Syempre di na ko naiilang nun kasi alam ko namang di na ako yung gusto mo :( napapangiti na nga lang ako minsan kasi para pala kong tanga hahahaha biruin mo iniiwasan kita dati kasi may gusto ka sakin tapos ngayon ako tong naghihintay na parang baliw na sana bumalik yung pagtingin mo sakin. Pero syempre ngayong malapit na tayo gumraduate, gusto ko na lang na bumalik yung dati, yung nag-aasaran lang tayo, lagi mo pa nga akong tinatawag na taba nun tapos tinutusok tusok mo pa tagiliran ko para kang baliw nun eh hahaha Salamat ah kahit madalas akong naiinis at madalas kitang pinapalo kasi naman sa tuwing nagkikita na lang tayo lagi mo na lang sinusuksok yang daliri mo sa kili-kili ko tapos sasabihin mong baskil ako tapos aamuyin mo oh diba? Hahahaa bwisit ka eh! Buti na lang talaga crush kita hihi pero okay lang sayo lahat ng pinaggagawa ko sayo haha ang kulit mo kasi eh sarap pisilin ng pisngi mo hehehe pero syempre di ko pwedeng gawin yun baka may makahalata pa lol basta gusto ko talaga bumalik yung dati, yung di pa naissue na nagkagusto ka sakin at nung hindi pa rin kita gusto. Okay na yun, mas okay na yun