Letter #228:
Hi F.
Hindi ko alam kung paano ko sisimulan to. pero siguro sa sorry muna. Sorry. Alam kong paulit-ulit na akong nagsosorry kaya sorry ulit. Sorry kasi ako naman talaga yung mali, ako naman talaga yung unang lumayo. Pero alam mo naman kung bakit diba? Natakot ako kasi na-attach na naman ako sa isang tao — sayo pa. Sayo pa ako naattach kahit alam kong iiwan mo rin ako. Kaya siguro, inunahan na kita. Ako na yung unang lumayo. Sorry kasi pinangunahan kita. Alam kong alam mo na medyo ewan din ang isip ko minsan. Hehe. Sorry kasi natakot ako. Pero, alam mo, hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako o magagalit sayo kasi pilit mo pa rin akong iniintindi. Martyr ka eh. Ako na nga yung lumayo pero ikaw pa yung nagsabing di mo ako papalitan. Na ako pa rin. Sabi mo na sana ganun din ako sayo. Oo naman, siyempre. Pero dahil nga lumayo ako, napagod ka na rin sa kakaintindi sa akin. Hinayaan mo akong lumayo sayo. Kaya ayun, nangyari sa atin yung “less conversations - drifting apart” stage. Iba na yung kasama mo lagi.. Alam kong hanggang dun lang yun. Bale, bestfriend, ganon. Hehe. Ako yun dapat eh. Yung best friend mo. Pero sino bang unang lumayo? Ako diba, kaya magdusa na ako. Hehe. Jk. Pero wala eh, sinabi mong ako pa rin. Always have and always will be. Sabi nila na baka nagkakamabutihan na tayo kaya di na tayo laging magkasama, di na tayo best friends. Pero sure ako na wala. Kung ano mang meron tayo, di na lalagpas yun sa love for a friend.. ay hindi, lalagpas pala kasi PINAKA BEST FRIENDS tayo eh. “Pinaka” na, “best” pa!
Pero ngayon, di na ganun. May mga bagay na di na talaga mababalik. Tinatry kong maging okay ulit tayo pero feel ko na nasaktan kita. May hesitations na tuwing nag-uusap tayo eh. Sorry kung magiging selfish ako.. pero sana, yung sinabi mong walang makakapantay o makakalagpas sa akin, sana, sana totoo yun. Pero kung meron man, wala eh. Wala akong magagawa. Tatanga-tanga rin kasi tong bestfriend mo eh. Sobrang takot na magtiwala at ma-attach. Kaya ayun, hinayaan yang mawala ang isa sa mga pinaka-importanteng tao sa buhay niya. Thank you sa lahat. Pero higit sa lahat, sorry. Sorry kasi sinayang ko lahat ng pinagdaanan natin. Sorry. Sorry :(
- T












