Hoy, bespren na nakilala ko dito sa tumblr. Bespren na itinuring kong tunay na bespren. Loob at labas man ng tumblr na ‘to. Haaay, miss na kita. 3 months na ata or 4 months simula ng hindi kana nagtetext. Hindi mo na rin ako tini-TA or FM. Nung binisita ko blog mo, nalaman kong may bago ka na namang GF -__- hindi ka pa rin nagbabago. Tapos yung laman ng blog mo puro kalibugan pa rin HAHAHA pero seryoso ‘N’ miss na kita. Diko alam kung nagpalit kaba ng number o ano kasi nung tinext kita di ka nagrereply. Hindi ko nga alam kung buhay kapa o tinuloy mo na yung balak mong pagpapakamatay :( tapos hindi ko naman matanong yung ex GF mo na tumblrista din kasi hindi naman kami close. Baka mamaya maging bitter pa yun tas awayin ako. Diko matandaan kung san ka nakatira. Hindi mo din naman sinabi full name mo sakin, di tuloy kita ma-hunting sa FB. Ewan ko ba kung bakit ayaw ko ng mag msg. sayo.Hindi ka naman kasi sumasagot eh. Miss na kita ‘N’ T.T