God is preparing this girl to be better to answer someone's prayer. ❤

seen from United States

seen from Singapore
seen from China

seen from Italy

seen from Malaysia
seen from China

seen from Singapore
seen from Thailand
seen from Mexico
seen from China
seen from China

seen from Malaysia
seen from India
seen from China
seen from Malaysia
seen from China
seen from Netherlands
seen from China

seen from Malaysia
seen from Georgia
God is preparing this girl to be better to answer someone's prayer. ❤
Ang sakit na sa kanya ko narinig ung mga salitang yun.
Dahil may sakit ako kanina at kakagaling ko lang ngayon, as advised, kumaen ako ng fruits. Bale orange yung kinakaen ko.. Tapos inalok ko si Hapon, sabi niya di siya nakaen ng orange. And the story of panlalandi goes on.. Hahahaha kenekeleg ekeeee hahahaa sorry na puuuu
Kahapon 2-10 ang duty ko tapos siya ay nasa maynila dahil may review siya. So alam ko gabi na siya makakauwe mga 8pm ganyan. Eh nagttxt ako sa kanya kung nakauwe na tapos di naman siya nagrereply so ang isip ko nakauwe na siya tapos nakatulog na siya sa pagod. Tapos nung 9:30 bigla siyang dumating sa lab! Aba namaaaaaan! Hahahahahaha. Kainis! Susunduin pala ako. Tanong ako ng tanong bakit ginabi siya eh di naman sinasabi. Imposible kasi na gabihin siya ng ganun kung walang pinuntahan. Sabi laang eh traffic daw ganyan. Tapos nung nasa sasakyan na nya ako buhay ang ilaw sa loob eh di nagtataka ako. Tas sabi niya may regalo daw siya. Eh di hanap ako sa likod andon ang ilaw eh kala ko naman eh dun nakalagay. Hahahaha. Parang tanga di agad sabihin sa akin kung asan. Tas ivivideo nya pa reaction ko kaya super curious na talaga ako kung ano un. Kaso di na nya navideo kasi madilim. Hahahahaha. Gabi na eh. Tapos andon pala sa unahan un. Ayaaaan. Sobrang daming medyas. Hahaha. Super cuuuute! Super saya ko! Kita nya yon. As in nakakatuwa! Hoarder kasi ako ng cute na mga medyas. Ayon kaya pala siya ginabi dumaan pa siyang divisoria tas naisip nyang bilhan ako. Pa-monthsary daw niya sken. Kasi nga monthsary namin nung 21 tapos di talaga kami nagkita. Mga tatlong araw kaming di nagkasama. Tas kaya pala nga sya ginabi dahil nga may pinuntahan. Sabi na eh. Hahahahahaha. Thank you ako ng thank you. Hahahahaha. Simpleng ganon okay na sken! Eh di hinatid na nga niya ako sa bauan. Siyempre pinaalis ko na siya at gabi na tas susunduin naman ako ng mga tatay sa bauan. Tapos nung nasa bahay na ako nagtxt siya kung asan daw ako. Sbi ko ay nakauwe na. Aba ay binalikan daw niya ako! Anugaaaaaa. Siya nga ay nag alala daw at gabi na nga. Sana eh di ako iniwan muna at inintay na dumating ang mga tatay. Anugaaaaaaa. Hahahahahaha. Napakaen na lang siya ih. Kaiyamot. Super love. Hahahahahaha.
Nung nag 3rd Anniversary kami, sobrang natatakot ako. Normal pa din naman ung ginagawa ko pero may pag-iingat talaga. Kasi naniniwala talaga ako na pag nakatatlong taon, malamang maghihiwalay na. Kinakabahan ako lagi na baka paggising namin isang araw biglang di na namin mahal ang isa’t isa. Hahahahahaha. Sobrang OA. Pero so far naman, we’re having the best days of our lives. Mas feeling secured at assured ako sa feelings namin. At nararamdaman ko naman na pangmatagalan talaga to. Super nega ko man minsan, pero deep inside I still hope for the best.
Simula nung naging kami, halos araw araw kaming nagkikita. Hindi man ung magkasama lagi, pero madalas talaga magkita. Lalo sa trabaho, kahit ung papasok pa lang ako tapos siya pauwe na, okay na yun sa akin. Tapos eto nga, may 1 month na training ako sa QC ibig sabihin 1 month ko siyang di makikita. Nung una sabi ko walang uwian para nasa momentum lang ako ng training, kaso di ko kinaya ung sitwasyon sa dorm kaya umuwe ako. Hahahahaha. Nag-uusap naman kami araw araw. Laging ma update. Lagi ding may pictures na sinesend. Pero narealize ko na kaya ko naman maging normal yung buhay ko na malayo sa kanya. I mean nagagawa ko ung mga dapat at gusto kong gawin. Pero ramdam na ramdam ko na may kulang. Nakakastress isipin na ang layo niya, na hindi ko siya nakakasama at nahahawakan at the same time, naiintindihan namin ung sitwasyon. Siyempre kelangan kong gawin to. Kaso ang lungkot lang. Tapos nagValentines pa lalo na akong nalungkot. You want to be with the person you love but you also want to do your responsibilities and the likes to achieve your dreams. Dun ko napag-isip isip na sakripisyo talaga. And paalis siya ngayong year, gusto na talaga niya magmigrate, hindi ko alam kung anong mangyayare sa amin, pero mukhang katulad nito. Parang nagpapractice na ako. Sobrang hirap niya. Ramdam na ramdam ko talagang may kulang. Pinagdadasal ko na lang araw-araw na malalampasan ko din to. Ganito talaga eh, may mga pangarap kami para sa sarili namin na hindi namin magagawa nang magkasama. Kelangan lang naming suportahan ang isa’t isa. At sana, sana talaga, pag natupad na namin pareho yung mga gusto namin, may “tayo” pa din.
“Huwag mo akong iiwan ha. Magkakalayo tayo pero huwag mo akong iiwan. Tayo pa din.”
Cheers to our 3rd year!!! It was a difficult year but he fought and keep on fighting with me and grateful that he’s still beside me.