one year na dapat tayo...
ngayong araw na ito dapat one year na kami ni vin. unfortunately hindi umabot sa araw na ito yung relationship namin eh. :) 6 months lang nagtagal, pero kahit di man kami umabot sa one year, dahil sa mga nangyari masaya pa din ako at wala akong pinagsisisihan na minahal ko siya kasi sumaya ko sa mga araw na nakasama ko siya at sa kung anong nagkaron kami.
Di man naging maganda ang story namin dahil ang ending eh naghiwalay kami dahil niloko mo ko or rebound or kung ano man ang tawag sa ginawa mo sakin, masaya pa din ako.
Kanina nagulat ako nung pagakyat ko sa kwarto may nagpop up sa phone ko na may nagmessage sakin sa fb. At laking gulat ko ng galing sa kanya yun. Well di naman niya ko binati, duuuuh, di na naman kami. HAHA sabi niya lang cute pa din daw ako. haha. di na din naman kami nagkausap kasi late ko na nabasa.
Di na ko affected pag nakita ko account niya or nagmessage siya kasi nakamove on na ko. at masaya na ko sa kung ano ako ngayon. Alam ko masaya na din siya.
Thankful pa di ako dahil nakilala ko siya at dumating siya sa buhay ko kasi kung di naman din dahil sa kanya di ako yung ako ngayon. At sa mga nangyari sa amin marami ako natutunan, kaya kahit di maganda ang huli masaya pa din.
Alam ko darating ang araw magkikita kami ulit. at sa araw na yun alam ko kaya ko na ngumiti sa harap niya at maghi sa kanya atsa pamilya niya. Hindi naman ako nagalit sa kanya sa kabila ng mga nangyari kahit na alam ko na sobrang mali at masakit yun. :)








