Tulong ang hinihingi nila ngunit militarisasyon ang binigay.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin maayos ang kalagayan ng ating mga kabababayan na nasalanta ng bagyong Yolanda. Pumunta ang ilan sa mga nasalanta ng bagyo sa aming paaralan upang manawagan at maibahagi sa amin ang kanilang kasalukuyang kalagayan. Nakakatanggap naman daw sila ng tulong ngunit dumadating lang ito dalawang beses sa isang buwan at mga militar ang nagdi-distribute nito. Kadalasan ay may listahan ang mga militar ng pangalan ng mga tao sa kanilang barangay. Kapag nagkataong wala ang iyong pangalan sa listahan ay aakusahan kang miyembro ng NPA at pagbabantaan. Nagkaroon man ng relocation site ay madals daw na walang tubig, walang kuryente, at malayo sa lugar ng kanilang kabuhayan. Ang mga bahay daw na pinatayo para sa kanila na sinasabing ‘libre’ ay may bayad. At hanggang ngayon ay patuloy parin ang pang gigipit at pang haharass sakanila ng mga militar.











