DONE WITH THE EPISODE TIME FOR THE REBLOGS *Dives into the tags*

seen from United States

seen from Malaysia

seen from United States

seen from Germany
seen from Germany

seen from Vietnam
seen from Germany
seen from China

seen from Vietnam
seen from Philippines
seen from United Kingdom
seen from United States
seen from Luxembourg
seen from Germany
seen from Finland

seen from United States

seen from Italy
seen from United States
seen from Finland
seen from Australia
DONE WITH THE EPISODE TIME FOR THE REBLOGS *Dives into the tags*
Lapis at Ballpen...
Lapis.
Isa sa pinaka-unang kagamitan sa pagsusulat na ginamit natin noong nagsisimula pa lang tayong magsulat. Sabi kasi nila mas maganda at madali daw gumamit nang lapis para sa mga batang nag-uumpisa pa lang matutong sumulat. Meroon kasing pambura na kasama, kaya mas madaling magbura kung sakaling magkamali.
Ballpen.
Tuwang-tuwa at excited ang lahat ng batang unang beses pa lamang hahawak ng ballpen sa pagsusulat. Natatandaan ko, grade 5 na ata ako nung payagan kami ng mga guro naming gumamit ng ballpen sa pagsusulat. Pero nang tumagal na at nakasanayan na ang paggamit nito eh parang lapis na lang din ang pakiramdam. Kung minsan nga mas mainam pa ang lapis, madali nga kasing magbura ng mali hindi gaya ng ballpen kailangan pa ng liquid eraser o kung anu pa para lang mabura o matakpan ang mali. Pero matakpan mo man o mabura, madumi at pangit pa rin ang resulta.
Sabi nila sadyang pinagagamit ang ballpen sa mga estudyante para matuto ang mga ito na maging responsable at maging sigurado sa mga bagay na pinapasok nila. Hindi pwedeng basta-basta. Kailangang pag-isipan ang bawat bagay na inilalagay nila sa kanilang kwaderno kung ayaw nilang magkamali at pumangit ang kwaderno nila.
LAPIS at BALLPEN. Simple man pero sumisimbolo ng pagiging mature ng bawat isa.
Ikaw ba ano ang gamit mo, Lapis o Ballpen?
Nakakahiya man pero ewan ko, ako kasi lapis pa rin eh. Oo ayoko kasi ng madumi at maraming bura pagnagsusulat eh. Nakasanayan ko na ata. Siguro nga hindi pa ako responsable. Pero gumagamit din naman ako nang ballpen kung kailangan talaga. Huwag kang magulat kung makita mo ang notebook kong lapis ang nakasulat.
Lapis o ballpen?