Naniwala ako sa mga katagang sinabi mong mahal mo ako. Pinaramdam mo sa akin na hindi imposibleng mahalin ang isang tulad ko. Pinagkatiwala ko ang aking puso. Ngunit bakit bandang huli biglang naging sawi. Lahat ng pangarap ay biglang napawi. Aking inintindi pero mali ang nanyayari. Tinanong ko ang aking sarili ngunit takot mawari. Katotohanang gigising sa mga mata kong nakapit, mga tenge kong nabingi, mga labi kong nagiging pipi at puso kong nagsisisi. Ngunit kailangan kong harapin ang pait. Pait na nagdulot ng sakit. Bukas pagmulat ng aking mga mata, maaring wala ka na. Ngunit hindi rito nagtatapos ang buhay na may'roon ako. Umpisa pa lamang ito at kailangan maging matapang ako. Para harapin ang bukas na wala ka, ng may masaya sa aking mga mata. 😌 #unspokenwords #letgomoveon #keepgoingkeepswimming #nottruetolifestory #artilang #imaginations #madebyyourstruly PS: makinig sa kanta ni Jay R para makahugot ng gantong peg kahit walang lovelife 😂 🎧🎶