FIRST IMPRESSION PERSONAL EXPERIENCE Disclaimer : purchased po ang product at hindi ito sponsored. So dumating na ang epektos. 😅 actually available sya dati dito sa Greenhaus pero 1. Wala ng stocks 2. Mahal ang presyo na doble ang halaga. Gusto ko lang talaga sya I try lalo na yung diamond polish. Wala naman talaga akong ginagamit sa face ko maliban sa moisturizer at toner-- gandang di inaakala lang talaga yan. 😉 totoo kse na less is better. So eto na ang verdict. Diamond polish - para ngang may mga basag na diamond. Haha! Nagulat ako sa feeling. Dahil hindi sanay ang mukha ko pakiramdam ko magagasgas yung balat. So gentle circular motion lang ang pagmasahe mga bes. Lalo na kung di sanay ang face sa exfoliation. Miracle cream - a little dab can do a lot. E andami kong iniscoop nag mukha akong natakot sa puti ng mukha. 😆😆😆 pero since heavy cream sya, palagay ko maganda nga itong moisturizer sa gabi. Pwede syang base/primer kse may glycerin. Kapit sa mukha. Parang BB cream nga. Baby powder lang at blush ok ka na. Di na kailangan ng foundation. Pros: price, availability, effectiveness (ng diamond polish kse ang kinis ng face after), smell (amoy melon). Kapit sa mukha ang miracle cream. Cons: dahil walang indicator kung gaano yung rate ng sunscreen (since we need at least 30 spf sa Middle East para sa face), I think mas makakasundo ko sya as night cream. P.s. gagamitin ko ung diamond polish sa kili kili ko. Pag kuminis yung kili kili ko haha! Malalaman nyo. #lilystouch #personalreview #surveysays










