LONG DISTANCE RELATIONSHIP BA KAMO?
Naniniwala ka ba isang relasyon na bundok at dagat ang distansya? Marahil sasabihin mong Oo o kaya naman ay hindi. Maraming taong naniniwala na ang isang relasyon ay hindi magtatagal lalo na kayo ay malayo sa isa’t isa. Andyan na ang tiwala ang unang magiging kalaban nyo dahil nga sa magkalayo kayo hindi nyo nakikita ang ginagawa ng bawat isa. Ika nga eh kung andyan na nga malapit sayo nagagawa ng magloko, paano pa kaya eh kung malayo na. Isang agam agam at palaisipan na maaring pumaxok sa iyong utak at pag katao. Isa pa na maaring magpahirap sainyong dalawa ang panahon na sana ay kasama mo sya araw ng mahahalagang okasyon ninyong dalawa; ang monthsary o kaya nama’y ang inyong aniversary. Maiinggit ka din sa mga taong masaya kasama ang kanilang minamahal. Andyan yong iisipin mo na sana andito sya sa tabi mo o kaya nama’y magkasama kayo ngayon. Mahirap nga Oo, pero don mo masusubok ang pagmamahalan ninyong dalawa. Naranasan ko ito kaya masasabi kong sobrang hirap nga. Ilang beses din akong umiyak dahil na rin sa mga bagay na nangyari at hindi ko napigilan dahil sa malayo ako.Minsan nga iispin mo na lang na bumitaw at maghanap nalang ng iba,pero mas mananaig pa din yong sinasabi ng puso na kunting tiis pa magiging okey din ang lahat. Nariyan din yong mga panahon na nag aalinlagan ka na sa kanya dahil pakiramdaman mo ay niloloko ka nya ng di mo alam. Pero para sa akin hindi nasusukat ang distansya at layo para maiparamdam mong mahal mo ang isang tao. Magiging tagumpay lamang ito kung pareho kayong may paninindigan at tiwala sa isa’t isa.













