NAGBAGO KANA
Nagsimula ang lahat nung tayo ay high school pa, nung sinabi mong mahal kita
Simula noon kinikilala na ang bawat isa
Tinatanung ang lahat kung ano ang makakapag pasaya
Hanggang sa minahal na din kita
Palagi tayong magkasama, at tinititigan kita napakaganda ng iyong mga mata
Yinakap ka at sinabing mahal na kita, at ayokong mawala kapa
Kitang kita kung paanu ka matuwa
Nung nadinig mong mahal din kita
Simula noon palagi tayong magkasama
Magkahawak ang ating mga kamay sa tuwing umaga
At may pag tanung pa kung, kumain kana ba?
Sinabi kong hindi pa, at ngumiti ka
Napuno ng pagtataka kung bakit ikaw ay masaya
Pinagbaon kasi kita, kain na
Napakasaya, sa bawat haplos yakap at halik, ako'y natutuwa
At patuloy nating ginagawa kung ano ang mkakapagpasaya
Isang araw tayo ay nasa bahay, nagpapatugtog ng musika
Lumapit ka at bigla akong yinakap, hinalikan at sabay sabing okay lang ba?
Tatlong salita, pero ako'y natulala
Ayoko, hindi pa ako handa!
Nagalit ka, at iniwan ako bigla
Lumilas ang mga araw tinatawatawagan ka, hinahanap ka
Hindi nakatiis, pinuntahan na kita
Ako ay nabigla may kasama kang iba
Tangina anong nangyari sa ating dalawa
Nilapitan ka, tinignan ako na parang hindi ako kilala
Pero hindi nagpatinag sayong mga mata
Hinawakan ka, tinitigan ang iyong mga mata
Mag usap muna tayong dalawa
Eto na tayo nalang dalawa, tinititigan kita
Pero hindi ako magawang tignan sa aking mga mata
Pinagpapalo kita, tangina ano na
Bakit nagbago ka bigla
Hinawakan ako bigla, tinignan ako sa mga mata
Bakit, bakit nawala ang kislap sa iyong mga mata
Pero sinabi mo bigla ayoko na, hindi na ako masaya
Nagulat at tinanung ka, ito ba ay dahil, hindi pa ako handa?
Napaka bata pa nating dalawa
Hindi ko pa kaya
Hindi! Dahil sa relasyon nating ito ikaw nalang ang masaya
Ikaw nalang nasusunod sa tuwing tayo ay magkasama
Palagi pa din kitang sinusunod dahil mahal kita
Pero ngayon hindi na, ayoko na
Umiiyak sa harap mo at tinanung kita, kaya ba may iba kana?
Sa mga nagdaang araw at linggo siya naba ang iyong kasama
Bakit hindi mo muna tinapos ang saating dalawa?
Hindi! Nagkakamali ka hindi kaming dalawa
Hindi pa kaming dalawa dahil may tayo pa
Pero ngayon tinatapos ko na, kung ano man ang meron sa ating dalawa
Hindi na ako masaya, palalayain na kita
Ganun nalang? Sasayangin mo ang pinagsamahan nating dalawa?
Hindi kana ba talaga masaya?
Tangina, nagbago ka na
Sana maging masaya ka
Pero mukhang masaya kana talaga
Dahil nakita ko muli ang kislap sayong mga, pero nakatingin na sa iba
Tangina! Ang sakit sakit na, malaya kana kahit mahal pa kita.













