Nung Bata Pa Kami (Retitled, Noon Pa Lang)
Written in about 15 minutes yesterday. Sort of.
Inspired by @hotaryu with whom I was discussing the OT3 of Adela Reyes (her Lunasona), Vicente Enriquez, and Goyong, and @pependoy who, Nikki tells me, had this headcanon that suggested Vicente Enriquez as Adela’s childhood friend na tinago ang feelings for Adela.
This also makes mention of my own Lunasonas.
Spur of the moment write-up lang ‘to with minor edits, so patawad na lang for any spelling/grammar mistakes.
Noon pa lang, magkaibigan na kami.
Noon pa lang, ganoon na talaga siya.
Matapang, pasaway, hindi takot sabihin ang nasa isip niya. Pakiramdam ko nga, kung ano na ang kaguluhang nagawa niya sa barrio namin kung di lang siya binabantayan nina Manolo at Vito, at kung hindi lang siya pinipigilan ni Catalina. Kung tutuusin, wala rin masyadong epekto ang pagbantay ng kanyang mga kuya, o ang pagpigil ni Catalina - at pagdating ng panahon - ni Ate Elena.
Si Adela ay ang sarili niyang tao - basta hindi ilegal, gagawin niya. Basta pakiramdam niya may pinaglalaban siya, walang makatitigil sa kanya.
Dumating sa punto ng digmaan, at kitang-kita pa rin ito sa kanya.
Kahit si Heneral Aguinaldo nasasama sa kaguluhan, lalong-lalo na kung ang away ay kay Adela at Goyong. Kung iisipin nga, LAHAT halos ng gulong sinisimulan ni Adela ay dahil sa Heneral. Sabi ni Adela ginagawa niya iyon dahil kinamumuhian niya si Goyong, pero alam kong wala nang lalayo sa katotohanan.
Pinatunayan lang ito ni Adela noong bumalik ako mula sa Pasong Tirad, at ‘di ko kasama ang Heneral.
Hindi ko siya nakita nang isang linggo. Kahit si Catalina hindi alam kung saan napunta ang kaibigan.
Nang makita ko siyang muli, dalawang linggo na ang lumipas nang mamatay ang Heneral. Hindi pa sumisikat ang araw, pero naglalakad na si Adela sa kalye. Sinundan ko siya sa isang simbahan. Hindi ko maintindihan kung bakit siya pumunta doon, hanggang narinig ko ang mga iyak niya, ang mga tanong sa hangin:
Gago ka, ba’t mo ‘ko iniwan?
na paulit-ulit lang, kasabay ng mga mapapait na hagulgol.
Hindi ako makagalaw noong una.
Halo-halong damdamin ang nakapulupot sa aking puso: awa kay Adela, halong lungkot at galit para sa Heneral, sa kanyang sinapit at sa pagtingin ni Adela na para sa kanya lamang, at hinagpis sa pagpapatunay ng isang katotohanang matagal ko nang alam, ngunit palaging hindi pinansin at binalewala:
Mahal ni Adela si Goyong.
Noon pa lang, ganoon na talaga.
Ako, noon pa lang minahal ko na si Adela - papaanong hindi? Lumaki kaming magkasama; lahat na ata ng tungkol sa kanya alam ko. Hanggang sa digmaan, magkasama kami. Natural lang sa magkaibigan ang daanang magkasama ang kahit ano sa buhay.
At sabi ko nga, noon pa lang, magkaibigan na kami.
Pero mukhang hanggang doon na lang iyon.