Naguguluhan...
Mga tanong sa isipan na kahit guro di kayang masagutan. Tanong na paulit-ulit nalang sa isipan. Tanong na ikaw lang ang makakasagot pero natatakot. Ang tanong na ito ay........ "ANO BA TAYO?" Hindi ka naman ganyan dati. Oo aaminin kong nagassume lang ako dati at yun yung mali ko. Pero ngayon..... Ibang iba na pinapakita mo o sinasabe mo. Hindi ka naman ganyan sa iba, sakin lang ni kahit sa kaibigan ko na kaibigan mo rin. Di ko alam kung naga-assume nanaman ako o baka meron naman talaga? Baka natatakot ka lang? Baka naghihintay ka lang? Baka pinapahalagahan mo lang yung friendship natin? O baka ganyan ka na talaga? Yan ang mga tanong na nakakatakot kung sasagutin mo. Oo duwag ako! Kasi kahit sinasabe nila na linawin ko na kung naguguluhan na pero heto ako patuloy parin sa pananahimik. Ayaw kitang mawala sakin pero pinipilit kitang mapalayo. Ang gulo diba? Dahil natatakot ako baka kasi dumating yung panahon na hindi na kita kayang pakawalan. Oh baka tama sila.....lahat ng 'to landian lang at hindi seryosohan. .... Kahit sinasabe ko sa sarili ko na di na kita kakausapin o icha-chat, pero ayan! Isang chat mo lang reply agad. Kahit sinasabe ko na tatagalan ko yung reply ko sayo, pero 1 second lang nagkakandaugaga akong magreply. Kahit gaano ka katagal magreply hindi ko parin binabago yung bilis ng pagreply ko sayo. Ganyan ako katanga..... Pag may kailangan ka lang nagcha-chat pero katagalan ng paguusap biglang nagiging landian. Pero pag wala kang kailangan o katanungan tila ba walang paramdam. Alam kong di ka multo para magparamdam at hindi naman tayo para oras oras kang magchat. Pero bakit ka ganon pag magkausap na tayo? Bakit ako yung niyaya mo sa starbucks? Ang dami naman dyan? Marami kang kaibigan na pwede mong samahan. Pero bakit ako? Bakit di ka mapakali nung mga panahong naglalakad tayo? Bakit lagi kang tumitingin sa likod at sinisigurado kung ok o safe ako? At bakit mo ko pinauna para makita kung ok lang ba talaga ako? Bakit mo ginawa yun lahat? Binigyan ko nanaman ba ng meaning? Ako bang may mali? O baka naman ikaw? O baka..............tayo ang mali. Gusto kita pero pagod na ako. Mahirap maghigpit o magalit kung wala namang pinanghahawakan. "Oo nga pala hindi nga pala tayo hanggang dito nalang ako." Siguro yang lyrics na yan ang tatandaan ko kung sakali man sumosobra na ako. Pero eto tandaan mo. Kahit gustuhin ko mang kalimutan at tigilan ka di ko magawa. Bakit? Simple lang...dahil nagugustuhan na kita. At nasanay na ako sa mga asta mo. Kaya lagi kong hinahanap-hanap. Mali man pero eto yung nagpapasaya saakin. Kaya siguro ipagpapatuloy ko nalang kahit alam kong sa bandang huli ako tong masasaktan.












