"in a relationship"
bakit ka naiinis sa mga naghaharutan na magsyota sa fb dash mo?
tapos tawa ka ng tawa pag nag-aaway sila sa wall mo, para kang nanonood ng wrestling. tapos batuhan ng mga break-up lines.
mamaya puro brek up quotes mababasa ko sa dashboard ko....
after twenty minutes may magiging "single" na....
hanggang sa cellphone!! GM ng GM ng kung anu-anong kaartehan. kasi nga LQ lahat dapat damayan siya. biglang magtatampo....
after three days.... "it's complicated" na sila.
panay parinig yung "may sala sa LQ" sa wall niya na kesyo di nya kayang mabuhay ng wala si honey bunch, hopya, tinapa, tuyo, dilis, tawilis, leche! (leche ay gatas, hindi yan mura)
tapos kunyari walang naririning yung "inapi" kunyari aping-api... may magcocomment na "sandalang kaibigan" na naaalala niya lang pag LQ sila ng kanyang JOWA!
sa gabi ng araw na "it's complicated" sila, magiging "in a relationship" na bigla....
Tapos sweet-sweetan na ulit, magiging you & me against the world nanaman ang drama nila.... :)
{wala siyang kinalaman dito cute lang sya}










