Maligaya Summer Blast 2015
Since today is MSB ‘17, I looked back to my first ever Summer Blast. Yun din ata yung kauna-unahang Summer Blast sa Phil. Arena nun. The guy on the left is my friend Daryll, barkada ko na siya since 1st day of college. FC kasi ‘to. 😂 Apparently, siya din ang nakapag-akay sa akin. For the record, he is not my boyfriend. He never was and never will be. Chos. Hahaha.
During this time, hindi pa ako nakakapagsuri sa Iglesia. Madalas akong nagtatanong sa kanya tungkol sa paniniwala nila, I was too cautious when it comes to other people’s religion. I don’t usually give my personal comments. I open myself from other people’s belief. Pero isa sa mga di ko makakalimutan nung gabi na 'to, e yung niyaya niya akong makinig sa doktrina. Kasi nga ang dami ko ng tanong about INC. Biniro pa nga niya ako na, someday, hindi ko na kinakailangan magtanong pa sa kanya, kasi ako mismo, malalaman ko na yung mga sagot.
Natatandaan ko, todo iling ako nun nung inaanyayahan niya ako. Hahaha. Pero patuloy naman ako sa pagtatanong. Hindi ko inexpect na mangyayari nga ang mga sinabi niya sa 'kin noon.
Some time in October last year, nasa 7-11 kami. Around 11pm ata kami nagpunta dun, we had a deep talk. Noon ko siya naappreciate. Pinakinggan niya lahat ng hinaing ko. Lahat ng kadramahan ko. And he even shared his personal experiences. Kasi nga, bago pa man siya maging sobrang active sa church e, may mga pagkakataon na natitisod din 'to. Hindi ko na i-eelaborate kung ano pa man ang mga yon kasi baka katayin na niya ako kinabukasan. Haha.
Habang kinukwento niya yung mga realization niya sa 'kin, nainspire ako. Kasi alam ko kung gaano kaloko 'to e. Hanggang sa madalas na siyang di nakakasama sa mga gala ng barkada kasi busy siya sa mga aktibidad sa lokal, which is I admire most. Inggit na inggit ako sa mga taong may malalalim na pananampalataya sa Diyos.
I was born and baptized as a Roman Catholic. I went to a Catholic school when I was in pre-school, then to a non-sectarian but mostly, catholics din ang mga nag-aaral. Hindi ko masabing active member ako ng church namin nun kasi madalang lang ako magsimba. Depende kung isasama kami ng lola ko, tsaka lang kami makakapagsimba. Kapag nasa simbahan naman, inaantok ako, gusto ko na agad matapos yung misa. Pero lagi ko namang inaabangan ang sermon ng pari. Pero minsan, nabobore ako lalo kapag 'di magaling magsermon yung pari. Minsan, isa ako sa mga naglelead ng rosary kapag month of October, pag may first friday mass sa school, ako din ang naglelector. Pero never kong naintindihan kung para saan lahat ng iyon. The way of serving, para kasing laging ang reason lang bakit ganun e, tradisyon na daw. Parang hindi ako kuntento sa ganoong rason.
I asked him, bakit siya naniniwala na the Iglesia Ni Cristo is the true church. “Nasa bibliya. Nahulaan na yon, noon pa man. Tsaka totoo kasi, kung hindi naman totoo, hindi naman din ako maniniwala e. Doon lang ako kung saan ang totoo. Kung yung Roman Catholic talaga yung totoong relihiyon, aalis ako sa INC. Kaso Cams, hindi e.”
At eto na nga, late of October when I decided to hear INC’s doctrine. Isha-share ko na lang sa other post kung ano nangyari during my first day, though I already shared it on my personal blog. Haha.
Grateful lang talaga ako na I met this person na ginamit na instrumento ng Diyos para mas makilala ko Siya ng lubusan. I will be forever grateful to Daryll and his family for their continuous and undying support. Salamat po, mga Kapatid! 🙂












