Lokal ng Gasak, Distrito Eklesiastiko ng Pampanga West
Oct. 24, 2016 noong una akong inanyayahan makinig ng doktrina ni Daryll. Dito mismo sa kapilya ito, at sa pagkaka-alala ko, lesson 2 agad yung pinag-aralan namin ni Bossing (Ka Rene, pastor ng lokal). Hindi na bago sa'kin yung lesson actually, pero mas naintindihan ko kung bakit iyon ang sinasampalatayan nila. Kahit ako, noong hindi pa ako kaanib, lagi ‘kong tinatanong sa sarili ko yun. Ilan nga ba ang Diyos? Si Cristo ba ay Diyos din?
Kaya noong binasa sa'kin ng Ka Rene ang mga talatang nagpapatotoo na iisa lamang ang tunay na Diyos, mas lalo akong naging curious. Ginusto ko na makinig pa ulit. And every time na magdodoktrina kami, kung hindi sa loob ng kapilya, sa opisina naman ni Ka Rene. Habang tumatagal ako sa aking pagsusuri, mas nauunawaan ko na ang mga bagay-bagay na dati'y ikinukwento lang sa'kin ni Da.
Naging malapit na din ako sa mga may tungkulin sa lokal. Siyempre, dahil isa sa pinaka aktibong miyembro si Daryll, marami siyang kakilala at kaibigan sa lokal. Na-overwhelmed ako sa kabaitan na ipinakita nilang lahat sa akin. Sina Joy, Ren-ren, Tob-tob, Ka Linda, Ka Regie, Ka Ariel at lahat ng mga umantabay sa'kin, lahat sila walang masamang ipinakita sa'kin.
Naalala ko nun, minsan ko pa silang tinulungan noong magpapasalamat ang mga nasa PNK. Ang saya lang sa feeling. Doon na din ako biniro ni Daryll at sinabi kay Bossing na magguguro daw ako. Nakaka-flatter pero inimagine ko din yung sarili ko na nasa tribuna. Aba, pwede, sabi ko. Hahaha. Pero malayo-layo pa yun. Sana loobin ng Ama. Hihi.
Bago pa man maitatag ang Lokal ng Gasak, ang myembro dito ay sa Lokal ng San Juan. Ngunit nang pumutok ang Mt. Pinatubo, isa sa mga natabunan ay ang kapilya ng San Juan. Halos kalahati na lang ng sambahan ang nakalitaw kaya hiniling ng mga may tungkulin sa tanggapan ng pamamahala na magpagawa ng bagong gusaling sambahan upang makapagsilbi ng maayos ang mga taga-rito. Kung hindi ako nagkakamali, 2004 nang maitatag ang gusaling sambahan ng Lokal ng Gasak.
Sa ngayon, nahiling na rin sa pamamahala na maibalik at maipatayo muli ang gusaling sambahan ng Lokal ng San Juan. Ngunit aabutin pa siguro ito ng isang tao o higit pa sa pagsasa-ayos muli nito.
Sa kasalukuyan, dito na ako nakatala. Palilipasin ko muna ng mga dalawang linggo pa bago ako magpatransfer sa Lokal ng Quiapo. Haha. Pero mananatili ng malapit sa aking puso ang dakong ito bilang isa ito sa may pinaka malaking bahagi ng aking pag-anib sa loob ng Iglesia.








