Mata
Habang naglalakad ako pauwi, may nadaanan akong eskinita na may mabahong amoy, mga dikit-dikit na bahay-kahoy, at makipot na daan.
Nakita ko ‘tong isang batang naglalaro ng holen sa gilid ng kanal. Madumi, mabaho at madungis ang unang pumasok sa isip ko para ilarawan siya. Nang dumaan ako sa harap n'ya. Binigyan n'ya ako ng ngiti na makahulugan. Ngiti na bumulong sa ‘king puso. “Kuya Laro tayo”
Nan makalagpas ay nilingon ko s'ya ng bahagya, bumalik na s'ya sa kanyang paglalaro kasama ang mga Holen.
Muling tumama ang aking mata sa unahan, naglalakad nang dahan-dahan sa masikip na eskinita. Sumalubong naman sa akin ang isang matandang nagtitinda ng turon at banana q. Inalok n'ya ako. Ngunit ang unang pumasok sa isip ko ay “H'wag madumi ‘yan” Kaya dali rin akong tumanggi sa kanyang alok, habang binigyan n'ya rin ako ng makahulugang ngiti bago ko s'ya tuluyang lisanin.
At bago ako tuluyang makaalis sa eskinita ay nakita ko naman itong isang Nanay na nagsusugal kasama ang kanyang ibang kapit-bahay, ang ingay nila na para bang sila lang ang tao sa daan.
Naisip ko agad na baka sila'y mga Adik na walang kayang ibang gawin kundi ang mamerwisyo na lamang. “Iho! Iho! Iho!” Tawag sa akin ng isang Nanay na nagsusugal. Pansamantala akong nakaramdam ng kaba at sa aking paglingon.
“Kuya wallet n'yo po, nalaglag”
sabi ng batang anak nang nagsusugal.
Tiningnan ko lang s'ya at umalis rin agad. Paglagpas sa Eskinita. Nilingon ko muli sila at tinanong ang aking sarili. “Sino ba ako para husgahan ang mga taong Ito?”
Ang ngiti ng madungis na bata na kulang sa alaga ng magulang ay aking iniwasan at nilayuan dahil sa damit na suot n'ya.
Ang alok ni Nanay sa isang pagkaing inihanda n'ya ng buong magdamag, para lang kumita ng pera ay aking tinanggihan dahil sa lugar ng kanyang pinagbebentahan.
At ang mga Nanay na nagsusugal ay iniwasan ko rin dahil sa paghihinalang sila'y mga adik kahit na sila'y mga naglilibang lamang.
Ngunit sa kabila ng mga hinalang ito ay nakalagpas ako sa eskinita ng buo at walang nawawalang gamit sa katawan.
Nakalagpas ako ng ligtas at di nakaranas ng kahit na anong pananakit.
Nakatanggap pa ako ng mga ngiting makahulugan at isang kabutihang loob mula sa batang anak ng isang akala ko'y adik.
“Sino ako para humusga?” muling sambit.









