Bilang dalaga sa modernong mundo kung saan directly proportional ang ugnayan ng ligaya at regalo tuwing valentine's day, ay nalungkot ako. Kaliwa't kanan nang naglalandian. Biglan dami ng nagmamahalan. Tapos ako, eto...hindi pa nakikita si busy boyfriend.
February 14, 2015 11:45pm, dumating siya galing trabaho. Sabay abot ng tatlong hugis pusong donut na may nahihiyang tingin sabay sabing,"pasensya na baby, eto lang inabot ng pera ko e Happy Valentines!" Bigla kong nahiya sa sarili ko. Nakakakonsensyang nalungkot ako. Magpa-tatoo na lang kaya ko nang mga katagang, "Ikhawxs lhangx sxaphat nha," makabawi lang. Nakakaluhang kaligayahan na makitang pinilit mong magkaroon ng ibibigay kahit wala ka nang mailalabas. Yung kahit pagod, iniisip mo pa rin na mapangiti ako. Sa napakaraming pagkakataon, na-inlove nanaman ako. Haaaaay...















