#marcusadoro #markushighway #aliyasurfcamp #aliyasurfandmusicfest2017 (at Aliya Surf Resort, Baler , Philippines)

seen from Malaysia

seen from United States
seen from United States

seen from South Africa

seen from Malaysia
seen from Netherlands
seen from Malaysia

seen from South Africa
seen from United States
seen from United States

seen from Malaysia
seen from Türkiye

seen from Türkiye

seen from Malaysia
seen from Netherlands
seen from Netherlands
seen from United States

seen from Canada
seen from United States
seen from United States
#marcusadoro #markushighway #aliyasurfcamp #aliyasurfandmusicfest2017 (at Aliya Surf Resort, Baler , Philippines)
#marcusadoro #markushighway #aliyasurfcamp #aliyasurfandmusicfest2017 (at Aliya Surf Resort, Baler , Philippines)
#markushighway #aliyasurfandmusicfest2017 #aliyasurfcamp #marcusadoro (at Aliya Surf Resort, Baler , Philippines)
Grabe to!!! #aliyasurfandmusicfestival #EBlive #ElyBuendia #MarcusAdoro (at Aliya Surf Resort, Baler , Philippines)
reunion- straightouttabreakup
Repost from @monsromulo ❤️Happy Birthday #ErwinRomulo 😝🎉🎂💥 with @elybumbilya @raymsmercygun @buddyzabala #marcusadoro @roman_romulo #Eheads
SURFHEAD! MARCUS ADORO
"Marcus!"...
Pagulat at may pagkafeeling-close na tono kong nabanggit nung makita ko syang nagkakape sa harap ng canteen ng nirentahan naming espasyo kahapon (7/21/13) sa San Juan, LaUnion.
Madilim pa sa kwarto ng ako'y magising, akala ko mga 5:30 palang ng umaga, pagtingin ko sa cellphone ko, mag-aalas siete na pala. Gustuhin ko mang matulog pa ng marami, e dibale nalang, mas gusto kong silipin ang alon sa Urbiztondo Beach, titignan ko kung natupad ba yung dasal ko bago matulog na magkaroon ng kahit pinakamababa ng tatlong talampakan na alon. Hilamos lang at toothbrush tapos diretso na sa canteen para sa libreng almusal. ayun! nasa bungad ng pinto, si Marcus Adoro! nagkakape! Walang sabi sabi, binunot ko ang cellphone ko sabay banat ng "papichur".. pero di ako kasama, kukuhanan ko lang sya. at sabi nya.. "Wait, dapat may props".. sabay dampot ng magazine na dala nya. *click* sabay tanong ng "Kamusta? sa Singapore kayo sa August diba?,".... "Oo," sagot nya... "Saan sunod?,"........ "Inaayos pa ng mga organizer e"....
Bahay nya pala ung katabing bahay na nirentahan namin, malaki ung lote, at kasalukuyang may tinatayong mala-treehaus ang dating na may taas na tatlong palapag. Kaibigan nya rin ung may ari ng bahay na inupahan namin, si Ate Marie, na nanalo ng pagkaraming awards sa surfing, kay Ate Marie din ung canteen kung saan makikita mo lahat ng tropeyo nyang napanalunan at mga litratong nagsasabi ng katototohanan, huminto lang sya sa surfing nung nagkaanak na, mapapansin mo rin, kasi pumuputi na yung balat nya.
Mula sa kanan pakaliwa: Ako, Majel, Ate Marie at baby, Mara, Ernie at Joey.
Habang kumakain ako ng inorder na Ham & Cheese Omelet with rice na wagas sa karapan, pumasok ng canteen si Marcus. gusto na lahat magpapicture ng mga kasama ko, lalo na ung mga babae pero nahihiya sila. kaming limang magkakaibigan, Si ate Marie pati ang baby at Si Marcus lang ang nasa loob ng canteen kaya malakas ang loob ko na magtanong tanong ng kung ano ano.
Ako: Sir Marcus, anong number 1 band mo?
Marcus: Beatles at Rolling Stones, pero number 1? Rolling Stones
Ako: Anong favorite mong Beatles song?
Marcus: Yesterday.. ay ano pala The Long and Winding Road
Sabay subo ulit ng pagkain sabay tawanan at kulitan ng mga kasama ko, narinig ni Sir Marcus na napagusapan namin si Ely Buendia.
Marcus: Idol ko yun.
Ako: Anong favorite song mo na sinulat ni Ely?
Marcus: *nag-isip* *natagalan*
Ako: Sa mga kasabayan nyo nung 90's, sinung Artist or Banda ang hinangaan mo?
Marcus: Dong Abay
Ako: bakit?
Marcus: Barkada ko un e, lokoloko un, magkasama kami sa dorm dati.
Ako: Sumali na kayo dati sa surfing competition?
Marcus: Hindi, ayaw ko.
Ako: Saan kayo nagsstay sa Manila?
Marcus: Sa may cubao
Ako: Saan dun?
Marcus: Sa may Edsa cor. P.Tuazon
Ako: Anong flr? magpapasko na kasi e, mamamasko ako
Marcus: *laughs* 27th flr
Sobrang chill ni Sir Marcus kausap, lahat ng pumasok sa isip kong sabihin or itanong, nasabi ko sa kanya, sana nga nairecord ko lahat ng usapan namin kasi may mga nakwento din syang mga bagay na hindi ko na maalala! kulang lang din talaga sa oras, andami ko pa talagang gustong itanong kaso gusto na namin maglaro sa dagaaaat (sayang ang alon) at syempre bago kami lumabas ng canteen, nagpichur taking muna.