"Happy birthday, Marlo!" Yuni said.

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from China
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from Germany
seen from China

seen from Malaysia
seen from United States

seen from United States

seen from United States
seen from China

seen from Japan
seen from Japan

seen from United States

seen from Cayman Islands

seen from Germany
seen from United States
"Happy birthday, Marlo!" Yuni said.
Unang Araw
110909
Monday
I promised myself not to be late again and luckily, I am thirty good minutes late on my should-be first class. Not that bad for a first day. XD There's no professor yet and so that's fine... introduction lang ang English. :))
Pumunta na kami sa Computer Laboratory para mag-add ng dalawa pang subjects, kaso sabi sa Dean's na daw yun or sa Registrar's kasi nga, nakapagbayad na kami, nung Thursday pa. So pumunta na lang muna kami sa Cyber Nook para i-check yung grades namin sa Accounting dahil wala pa nga. Super kabado naman daw kami dahil nga baka bumagsak kami, pre-requisite kasi yun, hindi rin namin mai-eenrol yung dalawa pang Accounting subjects kung di kami pasado. De ayun, hanggang kanina wala pa rin. (Even until now, wala pa rin.) Nakahinga pa ng maluwag.
Nagdecide na rin kaming hindi na pasukan yung ibang subjects, wala pa naman ata kasi talagang klase, de pumunta na lang kami ng mall. Ako, Xernan, Cathy, Ferry, at Sundcel, kaming lima, malamang. :))
Sa food court kami muna nagstay, lagi naman. Nagkwentuhan ng kauinti, tapos nag-aya si Ferry, Zagu daw. Hindi muna ako kumibo, wala akong pera sabi ko. De sila na lang ni Cathy muna. Naiwan kami nila Xernan at Sundcel. Tapos ayun, niloko-loko si Sundcel na ilibre niya kami, kahit kami na lang ni Xernan, hindi namin sasabihin, as in sikreto. De siya naman, hinamon ako, kung mapuputol ko daw yung ribbon na hawak niya, de ako naman dahil libre 'yon, sige lang. Ginamit ko ang mighty pen ko at voila, naputol ko agad. So de ayun na, ililibre na nya kami. Nagbigay ng 200. Zagu lang naman. Tinanong ko sila kung anong flavor, sabe nila katulad na lang daw nung akin. De okay. Grande Black Forest + crystals + choco bits. YAY! Saya.
De balik food court na ulit, nandu'n na pala sila Paolo, Marlo at Cheng. Ayun, at du'n nagsimula ang usapang libre. Nagpapalibre sa akin ng fries. De ako naman, stick sa statement kong wala akong pera. :) Hindi nila ko mapipilit. De ayun, nauwi na lang kami sa asaran at lokohan. Puro tawanan. Kung anu-anong usapan. From 2 pm ata hanggang 5 pm nandu'n lang kami. Pero si Sundcel, mga 3 pm pa lang umalis na. Naubos ang oras namin sa pagtuturuan kung sino ang manlilibre. After 1 hour siguro, si Xernan naglabas na ng 100. Dadagdagan na lang, tapos si Ferry nagbigay na rin ng 50 pa. So bumili kami ng 7 na fries, may sukli pang 10, de naghati na lang silang dalawa. May problema na naman pagkayari, walang inumin, nakakauhaw. De utakan na naman, maglibre na daw ako, hindi ko pa rin pinapansin. Wala nga kasi akong pera. De si Cheng inaasar ako ke Xernan, de ako naman hindi papatalo, nauwi tuloy na siya na ang inaasar namin kay Xernan. Tinatanong namin siya kung gusto niya ng relasyong Xernan Jay - Jana Roela o John Roel - Xerena Joy. HAHAHAHA. :))
Ayun, picturan. Kwentuhan. Ang mga topic? Iba-iba, madami. ung nag-aangas na grade ni Cheng, nakakabuwisit eh. 97 daw kasi siya sa Management 101 at 96 sa PE, kahit hindi marunong lumangoy. Yung pagpronounce ni Paolo ng 'r' at kung paano siya pumara sa jeep kapag bababa na siya. Nanghula si Marlo, tungkol sa kapalaran, yung kung sino una mamamata, kung yung asawa mo o ikaw. Tapos kung magiging matagumpay ka ata yun. Meron din yung mabibilang yung dami ng anak, yung pinipindot yung wrist, kung ilan yung bumukol, 'yun na. Kung ilang anak ang gusto mo, ano yung pattern ng sex ng mga anak mo na gusto mo. Kung gusto mong magkaanak. Paano kung papipiliin ka kung sino ang mabubuhay, asawa o anak? Kung papayag kang magpagawa sa babymaker ng baby, kapartner ang asawa mo. Paano kung baog ka. Yung mga ganung topic ba. Oo, mature na daw kasi kami, eh? :D
Ayun, sa sobrang kadaldalan at tawanan namin, nauhaw na kami. Nagpapalibre sakin, wala kako. Inumin niyo na lang mga laway niyo. Sabi ni Marlo, next time daw siya na ang taya. Aasahan ko 'yun. Si cheng ang hirap pilitin, shet. Ang tagal na kulitan tapos ayun, naglabas naman na siya ng bente, sumunod si Paolo bente rin. Eh pito pa kami, dapat 10 lang ibibgay ko, pero dahil wala ng panukli at sadyang mapagbigay ako, hinayaan ko na lang. So 60 pesos, pito kami. Sabi ko hindi na ako iinom, hindi naman ako uhaw. Sabi nila, kahit naman daw magbigay ako, hindi ako iinom. Tae. HAHA. De ayun, bumili sila ng juice, anim. At ako, inaasar nila, umiiyak na daw ako. AMP. HAHA. De ayun, mga 5 pm na nu'n. So si Paolo, Marlo at Cheng umalis na. Kaming apat, naiwan pa, si Ferry kasi. HAHA. De kwentuhan pa ng kaunti. Tapos si Xernan, pinakialaman yung mga pictures sa SE ko, nakita tuloy yung mga pictures kong nakaBatman costume, tawa ng tawa... Eh ang cute ko naman du'n. ;P
Tapos aalis na rin dapat kami, dumaan lang muna kami sa Noodle House para samahan si Cathy na bumili, then nagmamadali kaming pumunta sa CR kasi nga, you know. HAHA. Tapos de ayun, umabot pa naman. Tapos ayun, hinintay lang namin yung tita ni Ferry. Umuwi na rin kami. Most listened song ko nga pala today ay Crush Crush Crush by Paramore. Grabe, more than 10 times ko ata narinig. Pero hindi nakakasawa. So ayun, natuwa lang ako sa first day ko ngayong first sem. :)
Hay grabe, ang haba na pala. Andaming nangyari, kahit wala kaming ipinasok. HAHA. Sabi ko sa sarili ko, isusulat ko lahat ng mga nagyayari sa akin araw-araw, kahit sa diary ko na lang. Sayang kasi ang mga memories, ang mga nangyayari. Masarap kasing balikan yung mga nangyari na. Kaya ayun, sana magawa ko naman 'yun. At ngayung unang araw ko, napili kong i-post ito. I don't consider this as a blog, this is just a plain kwento. Wala lang, may masabi lang. Ganado lang talaga ako ngayon magtype at saka wala pang gaanong ginagawa. Ipinapangako ko rin palang less internet usage na'ko starting next year today. Oo, seryoso ko. Pipigilan ko na, kaso shet, mahirap, eh? :( This is my life na, HAHA. Pero yeah babawasan ko na talaga. HAHA. Oh siya, ang daldal ko, ang haba na. Sige, bb. At ngayon pala, iniisip ko kung papasok pa ako bukas, tingin mo?
At ngayon, iniisip ko pa kung papasok ako bukas. Tingin mo?