Oo, aminado ako. Bata pa ko. Walang alam. Walang magawa. Wala rin sa katinuan.
Ewan ko. Alam ko naman na wala ako sa puwesto, pero eto ako, nagseselos na parang tayo. Ay oo nga pala, walang tayo. Kayo lang pala yun. Dakilang ekstra lang ako. Tsimay niyo ko at ang dakilang tagasalo.
Ayoko na. Ayoko na talaga. Nakakasawa na. Bibitawan na talaga kita. Litsi. Habang tumatagal, lalong sumasakit.
Nagsisisi ako. Nagsisisi akong finollow kita rito sa tumblr. Nagsisisi akong inaccept kita sa FB. Nagsisisi akong kinausap kita dati at nakipagclose. Nagsisisi akong nireplayan kita. Nagsisisi akong nagpaload ako para lang makausap ka. Nagsisisi akong nagpuyat ako dati para lang makausap ka. Nagsisisi rin ako kung bakit ganyan ang epekto mo sakin. Alam mo bakit? Minahal kasi kitang hayup ka eh. Yun yung pinakapinagsisihan ko sa lahat. Sana una palang, umiwas na ko. Para di na ko umabot sa ganto.
Lahat yun, pinagsisisihan ko. PATI ANG PAGIGING WONDERWALL MO.
Bawal sakin ang maging ganto, alam kong alam mo yun. Isa ka sa mga nakaalam ng kondisyon ko. Hindi ko naman hinihingi awa mo nun ih. Akala ko kasi, maiintindihan mo ko. Akala ko, magiging close ulit tayo. Ay shit lang po. Lahat yun, nauwi sa maling akala.
Mali pala. Una palang pala, mali na agad. Pinilit ko lang, pero di gumana.