Fairytale?
Ang mga fairytale ay mga ilusyon lamang ng mga totoong pangyayari. Binibigyan nito ang mga kahirapan ng tao ng ibang kahulugan upang hindi magmukhang marahas ang mga ito. Isang halimbawa na rito ay pamumuhay sa palasyo. Sa kaharian ng Tralala, iisipin natin na madali lang ang buhay para kay Prinsesa Yasmin sapagkat siya ay anak ni Haring Alexander at siya ay isang prinsesa. Ngunit sa katotohan siya ay pinapahirapan at sinisiraan ni Reyna Leona at ng kaniyang mga anak dahil kinukuha nila ang atensyon nito upang sila ang mas paniwalaan sila ng hari at upang hindi malaman ng hari ang tungkol sa 8 milyon na bara. Nagiging marahas ang pamumuhay para kay Prinsesa Yasmin sapagkat mayroong isang parte sa dula na pati ang kaniyang sariling ama ay hindi na naniwala sa sinasabi niya.











