Love yourself as God loves you.
No title available
EXPECTATIONS

gracie abrams

No title available

roma★
RMH
KIROKAZE
Noah Kahan
Cookie Run:Kingdom Official!
Cosmic Funnies
🩵 avery cochrane 🩵
Monterey Bay Aquarium
No title available

Origami Around

izzy's playlists!

tannertan36
Fieri Frames

Jimmy Eat World
No title available

No title available

seen from Malaysia

seen from United States
seen from Argentina
seen from Argentina
seen from Morocco
seen from South Africa

seen from Argentina

seen from Peru

seen from Netherlands
seen from Portugal
seen from Brazil
seen from United Kingdom

seen from Mexico
seen from Argentina
seen from Iraq
seen from Indonesia
seen from Finland
seen from United States

seen from Malaysia
seen from Morocco
@el-kapitan-nuebe
Love yourself as God loves you.
Simula Ngayon
Lahat ba ng sira mananatiling sira? Lahat ba ng sira di na kayang gawan ng paraan? Lahat ba ng hindi na kayang maayos, sinusukuan na lang? Lahat ba ng nandito sa mundo posibleng hindi na mabago? Simula ngayon, sisimulan ko ng tanggapin na hanggat nandito ako, ang mga sirang bagay ay posibleng manatiling sira hanggang mawala ako at aasa na sa susunod na buhay ko, babalik sa dati sa kung paano nagsimula ang lahat. Wala ng sakit. Wala ng paghihirap Wala ng tanong Panatag na lahat.
Hayaan nyo muna ako
Di ko alam kung may matututunan ako o marerealized sa eksena na nakikita ko. Kung may mas mauunawaan ba ko o lalo kong masasabi na depende pa rin sa sitwasyon. Kaya ko tanggapin ang nakikita ko at nakakatuwa na ang mga bata ang nagiging masaya. Magulang man ang may problema, apektado pa rin ang mga anak. Kung ganito na nga ngayon at marami na nabago, paano ko tatanggapin lahat. Hindi ko maisip ung salitang pagtanggap. Ung salitang pakikisama ng bukal sa loob. Ung pagiging masaya sa kaligayahan ng mga tao sa paligid ko. Ang paki usap ko lng, bigyan nila ako ng panahon. Hayaan nila ako na gawin ang nga gusto ko. Wag na muna nila ko idamay sa mga planong di ko naman kelangang malaman. Dito ako. Dyan kayo sa pwesto nyo.
Pag amin
Alam kong di ko kayang tanggalin yang sakit kagabi. Gagawin ko lahat para bumawi. Pra akong inuntog. Nakikita ko sarili ko sau minsan. Kung paano mag effort. Magbigay ng pagmamahal at alam ko kung gaano kasakit di un mapaniwalaan. Di ko na iisipin lahat ng takot ko. Hahayaan kitang alagaan ako sa lahat ng paraan na gusto mo. Sorry kung lagi ko sinasabi na kaya ko. Kinailangan ko kase kayanin na ako lang. Pero hahayaan kita na alalayan ako hanggat kaya mo. Hanggat kaya mo mahalin kung sino ako at lahat ng kasablayan ko. Kagaya ng sinabi ko dati. You deserve to be happy and sa nagawa ko, you don't deserve me. Maxado kang mabaet, maunawain at mapagbigay para sakin. Until now parang di pa rin mag sink in na may tulad mo. Kase isa ka dun sa sinasabing too good to be true. Pero ngaun, i decided na babawasan ko na ung pader. Unti unti. Hintayin mo ko hanggat kaya ah? Ang dami ng sakit kase, nasa stage pa rin ako ng pagbawi sa lahat ng un. Hiling ko lang para sayo, para jan sa binibigay mong pagmamahal sakin, mag grow ka, may maibahagi ako ng mabuti sayo. Mapasaya ka ng pagmamahal na un, patuloy na mangarap at magpursige, more para sayo kesa sakin. Ikaw ang iba. Saludo ako sau. Sobra kita nirerespeto at kung anu man ang mga magiging desisyon mo. Magsabi ka lang kung sobra na ko o anu man. Babawi po ako.
Sigurado
Di na ko naghihintay nung dumating ka Buo na ko nung may nagkulang sayo Kontento na ko sa kung ano ang meron Wala ng paghahangad, wala ng mga paano Matagal na panahon di ko inasahan Na ang imposible ay mangyayari Na ang bawat pagpigil ay magpapatuloy Mula sayo at pabalik sakin bumabalik ang pagmamahal na binibigay mo ng lubos Kung kelan walang tinitingnang oras Kung kelan walang inaasam na panahon Minsan kung kelan okay ka na, darating sya Di para sabihin na may kailangan ka Kundi para ipaunawa lalo na kompleto ka na at nadagdag sya Sa saya na di mo na masukat Sa biyaya na di na maubos Mabilis man ang mga pangyayare Umayon man agad ang pagkakataon Di na ako nag aalala, di na ko natatakot Masaya ako na masaya ka Wala mang sigurado Umalis ka man o lumayo ka walang kelangan maghintay sigurado ako sa sagot ko
Paghanga
Habang pinagmamasdan kita at nakikilala pa, lalo kitang hinahangaan.
Kung paano mong minamahal ang mga ginagawa mo at ibinibigay ang higit pa sa kaya mo. Nakaka inspire ka.
Di ka man masalita, kita at dama ko sa mga kilos mo. Lalo kitang nirerespeto.
San ka man dalhin ng mga raket mo, nandito ko kahit taga bitbit at taga bigay ng tubig mo. At kung malayo ako, susuportahan kita at palaging magiging proud para sayo.
YFC ICON 2016 Story
My journey to ICON bohol is not really what I expected. We arrived morning of the 2nd day na. Nasa byahe pa lang going to Manila parang ang dami ko na namissed sa 1st day. Especially nung nakita ko na mga post sa social media. Not like last year we are so much earlier. But as kuya Dij said. Focus is what we need to see the things na dapat natin ipagpasalamat. Late man uli pagpabook ng flight. Napamahal man uli. Nakapag ICON kami. Di ko man nakita mga STAR friends and other familiar faces sa ibang lugar ok lang. I am in the place where I'm supposed to be. I wont trade this experience for any other. It is simple and peaceful yet heart-breaking in the best way. I can never forget the balloons and the prayers they carried. That night where we looked up quietly, patiently waiting to let it fly higher, I remembered what I said to myself. Lord sayo ang lahat ng nasa puso ko. It is a symbol of surrender sa lahat ng nararamdaman ng bawat isa. Its like reaching out to God as high as we can. Sinulat man namin ung mga dasal namin, napasama man o hindi un sa mga pinalipad na lobo, sigurado ako na alam na nya un. At niyayakap nya tayo habang dinadasal un ng puso natin. Yng katotohanan na wala tlga ko magagawa sa maraming bagay na meron sa buhay ko ngayon, na di ko kayang baguhin ang sitwasyon. Kasabay ang katotohanan na may rason ang lahat at totoo ang pangako ng Diyos at mapalayo man ako hinding hindi nagbabago ang pagmamahal na iniaalay nya. #ChristUnlimited
Unang Pag-ibig
Mahirap kalimutan ang unang pag ibig pero KAYA. Pero minsan KAILANGAN. tingnan natin ang mga SIGURO... siguro nung nalaman kong gusto mo bumalik at walang naging hadlang para gawin mo un, di man kita tanggapin agad, cgurado ako na tatanggapin din kita pabalik dahil kaya kita mapatawad. Siguro kung wala akong ibang tao na napagbalingan nung nawala ka, ikaw pa rin talaga. Siguro kung hindi nawala ang isa sa pinkamahalagang tao sa buhay mo, hindi pa rin kita bibitawan. At lalo kita mamahalin dahil alam kong mas kailangan mo ng karamay. Siguro hanggang ngayon, tayo pa rin ang magkasama. Lalong tumibay sa pagsubok, natuto sa mga pagkakamali, mas minahal ang pamilya ng bawat isa, dumami ang mga alaala. Pero sigurado ako na hanggang siguro lang ito at walang halong pagsisisi habang nabubuo ang bawat salita. Dahil ilang taon ko ng tanggap na wala na at di ka na babalik, di ko na ginustong bumalik at ayaw ko ng maulit. Ngayong naiisip kong naging tayo, di ko na maramdaman ang pamilyar na pakiramdam kapag ikaw na ang usapan o kapag nasasagi ka lang sa isipan. Masaya ako na tahimik tayo ngayon. At puro ngiti na ang meron sa huling pag uusap natin. Salamat kaibigan. Salamat.
Walang pagkatuliro sa maingay na paligid Walang pangamba sa di malinaw na bukas Walang takot sa madilim na daan Walang ako sa buhay na wala Ka+
Kastilyong Buhangin
Minsan di ko pa rin maiwasang maalala kung paano mong hinayaang gumuho ang lahat ng itinayo mo. Tulad ng pinaghirapan mong kastilyo pero yari lamang sa buhangin. Naalala ko rin na tinulungan kita na tuluyan ng di makabawi at magiba ang lahat. Dahil kahit paulit ulit nating inaayos ang kastilyong buhangin, laging may nasisira pa rin. Hindi kayang patibayin. Hindi kayang pataasin. Hindi kayang patagalin. Pinabayaan ko. Hinayaan mo. Wala na tayong makitang bakas ng kahit ano. Binura ng hampas ng alon. Nadaanan ng mga yapak ng paa. Hindi ko na makita. Hindi na kita makita sa bukas ko.
Dubai.
Di ko man kayang isipin ang kayamanan mo at ang walang tanong na kagandahan mo, nadadama ko pa rin ng bahagya ang takot at pagkalunod sa tuwing binabalikan ko ang mga lugar kung saan ako dinala ng mga paa ko sa panahong alam kong ako ay lutang at maraming kulang. Di man mabilang kung ilan ang natuwa sayo at inasam ka para sa ikagiginhawa nila, hindi ko na nanaising bumalik at tularan sila. Hindi ka para sa akin. Hindi ako para sayo. Kaya pinili kong iwan ka kahit halos lahat sila sinasabing nagsayang ako. Pero para sa akin, hindi lang may masasayang kundi may mawawala sa akin kung nanatili ako sayo nuon. Kung ang tingin ng karamihan ay papalapit ako sa tagumpay, sa bawat araw na nadaan, damang dama ko na papalayo ako at pabilis ang pagbagsak ko. Tatlong taon na ang lumipas pero nandito pa rin ang sumisilip na trauma kapag nasisilayan kita. Pero gagaling na ko. Tatapangan ko.
What's done is done.
Whatever we have right now, make the most out of it. Start from there. If you only have a small space you call home, make every moment you spend there count. If you have enough savings and asked to give, give without ceasing. If you failed your exam, let it serve as a lesson to study harder. If you think your stuck, try to take one step at a time. There are a lot of things we can't control. What's done is done. The truth is whatever maybe's and what if's you keep on telling yourself again and again, it won't change. Let us ask for help in accepting whatever situations we are in. Life is hard but it is meant to be lived. Freely and fully. 4.4.2016
Nalulunod sa galit.
Yung minsan hinahayaan mo na lang na mawalan ka ng pake alam kahit alam mong wala ka rin naman mapupuntahan. Hinahayaan mo na lang na may mapahamak sa kapabayaan mo. Na hayaan na lang ang sarili kung malipasan man ng gutom, maabuso ang katawan sa bisyo o kaya mabulyawan ang ibang tao dahil madalas kang galit. Gusto mo na lang tumakas. Magtayo ng mataas na pader sa puso mo para di na uli makaramdam ng sakit. Alisin sa isip na magmalasakit dahil nakakadama ka ng kahinaan kapag lalo kang nagmamahal. Ayaw mo ng masaktan. Ginagawa mo lahat wag lang yun maramdaman. Pero ayaw mawala. Araw araw, unti unti, lalo kang nadudurog. Nakakatulala rin minsan. Madalas pinipili mo na lang maging tahimik. Lumayo sa ingay. Maglakad lakad kase kahit papaano nababawasan ang bigat. Kahit papano napapalaya ang isipan. Minsan naiisip mo kung hanggang kelan ka ganito. Nakakapagod pero kelangan gumalaw. Kailangan. Kaya pala madalas tahimik ka rin dahil sa paligid mo ikaw nakuha ng lakas o saya kapag nakikita mo silang nakangiti o tumatawa. Wala ka kaseng mapaghugutan sa sarili mong buhay ngayon kaya kelangan mo sila. Kahit nakikita mo lang o kahit ikaw lang ang nagpapangiti ok na. Minsan hindi mo na rin alam kung kaya mo pa. Pero kinakaya mo. Dahil lalong wala kung mananatili kang nakadapa. Kaya pipikit ka. Hihinga ng malalim. Tatahimik. Ngingiti. 4.25.2016
Kasama mo Sya sa laban mo.
Darating ang punto ng buhay mo na ilalaban mo kung ano ang tama pero ilang beses kang madadapa. Lalaban ka ng paulit ulit pero maraming beses ka ring masasaktan. Sa panahong nabigay mo na ang lahat ng kaya mo at lumalaban ka pa rin, dapat mong malaman na di ka nag iisa sa laban na yan. Una pa lang, Sya na ang lumalaban para sayo 6.7.2016
Will...
What happens if you yourself realized that some thing is changing. You dont want that kind of change. It transforms you into a person you would never like. Then it hits you. Will something change for the better if you do something good for others? Will it make you a better person?
Para sa isang kaibigan.
Natatalo lage ng pagmamahal ang takot. Kapag hindi nangyare un at nangibabaw lang ang takot, hindi yun pagmamahal. Hindi ko kelangan lagyan ng salitang 'totoo' sa pagmamahal, dahil anu mang mababa sa pagmamahal na un, ay hindi totoo. Nasasatao kung paano nya sinusukat ang pagmamahal. Namulat tayo na hindi pantay pantay ang klase ng pagmamahal na maaari nating ibigay pero isa lang yun. Nasa tumatanggap yan. At kung paano mo binibigay. Masakit isipin na kayang masayang ang ilang taon na samahan ng dahil lang sa takot. Takot na makaramdam ng matinding sakit. Sino nga ba ang may gusto na masaktan. Pero kung iisipin, hindi naging sagot ang pagsuko na lang. Sa una akala mo gumaan ang lahat, pero papunta un sa pagsisisi. Ang tanging hiling ko na lang sa mga taong sumuko at bumitaw, sana kapag ok na kayo pareho, magkatagpo pa uli kayo at marealize nyo na pwede pa. Posible pa. Kaya pa simulan uli. Dahil ganun naman ang pagmamahal. Kinakaya magpatawad. Kalimutan ang lahat ng sakit. Magbigay ng pagkakataon.
Kwentong STARCON ko.
"Tayo ay nabigyan lang ng pagkakataon dahil sa di nauubos na grasya ng Panginoon." (c) Kuya Glenn My journey to starcon started on a wednesday morning. Kinamusta ako ng isang MV na sis from Cavite na itago natin sa name na Ka Karen (Magandang Volunteer) :) at dun nagsimula ang adventure na hinding hindi ko makakalimutan. I was part of the Logistics Committee. Halos lahat kami sa team ay pangarap yun at sobra akong naexcite dahil sa challenges na kadikit nun. Aware ako kung gaano un kabigat at ka stressful pero di ko inakala na ganun katindi hanggang naranasan ko, namin lahat. Ung simula pa lang sa pag brain storm ng ideas sa mga design, canvass ng mga gamit, panu mapunan needs ng ibang committee, paghanap ng materials, at ang pinakapaborito ko na paghahanap ng makakainan. :) Kakaiba ang journey na ito dahil 2nd time ko pa lang makapagserve sa ryc. Last year ang una. Masasabi ko na mas mahirap ang sakripisyo na naranasan ko ngayon dahil last year nasa home court kami. Yung tipong Team namin ang unang dumating sa venue tas kami rin ang huling umalis. Ung day before starcon marami pang kulang at inaayos. Mismong day nga may tinatapos pang kelangang gamitin hours before. Na kung san san na nakakatulog nung preparation. Foods lang tlaga ang malaking sagot sa pagod at wagas na tawanan. I am blessed with this team na biniyayaan ng good humor ang lahat. Dahil dun, nakakapawi ng pagod at nakakagana lalo. Pero sa buong preparation, sa sobrang pagod ko, sumagi sa isip ko na mag quit habang naglalakad ako sa katanghalian paghahanap ng mga mabibilhan ng materials, ngalay na pabalik balik, sobra sakit na ulo, nahihilo na sa gutom at puyat. Na kung pwede bang umayaw na lang. Pero alam kong di dapat ganun. Kase kapag nagcommit ka, anu man ang nararamdaman mo at the moment patuloy lang dapat Kase kay God tayo nag Yes. Narealize ko na kahit gaano na kalayo ako sa comfort zone ko, hindi ko ipagpapalit ang mga araw na yun sa ibang araw na petiks lng ako. I came to love the challenges na kaakibat ng adventure ng buhay ko. At isa ito sa pinaka sumubok sa emosyonal, pisikal, mental at spiritual na aspeto. Tunay ngang maraming sakripisyo sa pagseserve at ang pinaka nahirapan ako ay yung di halos makasama ang yfc family ko bilang isang probinsya. May time na wala na halos ginagawa sa committee namin na hinanap ko sila at kahit 2 lng ang nakita ko, niyakap ko sila kahit saglit lng. Ang pinaka grateful ako ay yung session ng gabi dahil may kukunin lang talaga ko sa oksimin tas aalis na at standby dahil baka may biglang gawin but then a brother told me na kateam ko na wala pa raw. That time nilubos ko na. Nun mismo nadama ko ung pagiging at home. God blessed us with a whole lot of time to be in our home provinces. To be around the people closest to us. And to once again see a glimpse of heaven with our Tito's and Tita's as one yfc family. Ang pinaka natutunan ko. Anu man ang mga nangyayare sa buhay natin, kung asan man tayo ngayon, sino man tayo sa ngayon, anu man ang mga naabot natin, ilang beses man tayong bumagsak, nasaktan, nahirapan,ano man ang mga pangarap natin,at mga plano natin na hindi natupad, isa lang ang mahalaga. Kung paano tayo tinitingnan ng Diyos. Kung paano Nya kayang yakapin at tabunan ng pagmamahal lahat ng mali sa buhay natin. At kung paano Nya nireremind ang bawat isa na we are not fighting alone, that we are heroes in our own unique way. Na lageng ung plano Nya ang mas mabuti. Na sya ang magtatanim ng pangarap sa puso natin. For this conference, God affirmed me of His plans in my life. Kung san Nya ko gustong i-lead. Though I was tempted and wounded, now I can say that I am God's Champion. We all are. Let us live a life worthy of our calling and share the love of the Lord to everyone who haven't experience it. #STARCON2015 #YFCLeague #kwentongSTaRCon #MinoreñongMisyonero Ps. Nung nagsharing sa committee namin, ang naging tanong, San mo nakita ang Diyos sa buong conference? Sabi ko, nakita ko ang Diyos sa mga taong nakasalamuha ko. Sa palengke nung nagtatanong kami ng mabibilhan, sa mga driver kapag naliligaw na kami, sa mga kinukulit naming naglalako ng pagkain dahil nakakagutom, sa mga yfc na taga ibang probinsya na nakakasalubong sa hallway at sa buong Logistics Team. Ung mga lambing na pagsagot sa makulit naming tanong, sa pagngiti, pakikinig, pag alalay at sa iba pang simple at maliit na bagay kung titingnan pero napakalaki ng epekto pag pinagsama sama. (Random Act of Kindness) To God be the Glory.