08 | 17 | 25
seen from Tunisia
seen from China
seen from Bulgaria
seen from Yemen

seen from United States

seen from United States
seen from United Kingdom

seen from United States

seen from Indonesia
seen from United Kingdom

seen from Peru
seen from China
seen from United States

seen from Netherlands
seen from United States

seen from France

seen from United States
seen from Türkiye

seen from Russia
seen from Maldives
08 | 17 | 25
ang sarap kasi ng okra
Single pa kasi 'tong friend ko. Hindi pa siya nakakaranas na magkaroon ng boyfriend. Ang dahilan nya, baka daw kasi hindi niya kayang mapagsabay ang pag-aaral at pakikipagrelasyon.
So background story lang yun. Ang totoong story e, kanina noong break time namin. Masarap kasi ang miryenda niyang pansit bihon na binuhusan ata ng gulay ng tindera. Ang dami! Parang 1/3 ng pasit e gulay. Buti na din kasi hindi kumakain ng karne 'tong kaibigan kong 'to. Palagi nga ko nga siyang sinasabihan na masarap ang karne.! (no pun intended). Mas gusto nya ang isda at karne. Minsan nga inaantay ko ang paglabas ng kaliskis niya kasi puro isda pagkain nya tuwing lunch. Sinisilip ko din yung hasang sa likod ng tenga nya, yung parang sa waterworld lang na movie. Pero nakain din siya ng gulay.
Nabanggit ko ang isa sa ayaw kong gulay na siya namang gusto niya—ang OKRA.
Yes. Ayoko ng okra, para kasing slimy kapag nasa bibig na. Naglokohan kami kasi dahil nga NBSB pa sya, sinabi namin na katulad lang ng pakikipaghalikan ang pagkain ng okra. Malambot sa bunganga. Matubig at Ewww... SLIMY.!
Kaya sabi namin, kapag tinanong sya ulet bakit siya naging matandang dalaga?
Ang sagot.
ANG SARAP KASI NG OKRA