To my other half, confidante, guardian, partner in crime and beautiful sister,
Una sa lahat, wag kang iiyak dito pero okay lang naman na kiligin ka. hahaha Oy Happy New Year din. Sorry ngayon ko lang naisipan magBlog, well better late than never. Sabi ko sayo eh, hintayin mo yung reply ko kasi mahaba haba to. Alam mo namang tamad ako magtext kaya dito nalang ako magrereply. Para din mas maDrama. loljk. Grabe para namang ang tagal nating di magkakasama, eh halos lagi naman natin nakikita isa't-isa. Ganito ba talaga pag New Year? wahaha Joke lang... Start na ko ah.. Ang dami ko pang sinasabi eh noh? =)) Game...
Thank you din sa 2012 na saya, bonding, secrets, good vibes, bad vibes etc etc etc... Sorry din sa mga BV na binigay ko sayo, tampuhan, away.. Alam kong ang dami din nun at alam ko ding mas rarami pa ngayong 2013. hahahaha JK. Sana mas makilala pa natin yung isa't-isa noh? chos, kilalang kilala mo na nga ko eh. Basta yung mga secrets ko ah at natin. Sobrang open natin alam mo na lahat ng kalokohan ko dati hanggang ngayon. Sa sobrang open natin, hindi na tayo nagkakahiyaan. HAHAHAHAHAHA Grabe pano ba tayo naging close ulit? Ah basta. Hindi ko rin akalain na ikaw yung magiging sobrang kaClose ko eh. Hindi tayo magBestfriend, more like sisters nga dba? :) Matagal tagal na din tayong magkakilala. Naalala mo ba yung "GV KV BV balitaan" natin? Nakakamiss. Siguro naging close tayo nung NagConfe confe tayo dati noh? Tas nung nagkasabihan tayo nung crush. yay! :"> Basta sana nga matupad mga pangarap natin, sana maging matatag pa yung friendship natin (omg ang lalim!) I'm always here for you. More blessings to come. Mabait ka kaya ibbless ka talaga ni God ng sobra. Lahat ng nangyayari dba my purpose? Basta keep the faith. Blessing in disguise lang yun. :> Wag ka magbabago. Siguro baguhin mo lang yung mga sinasabi ko sayo kapag nagOopen tayo sa sat-sa. Alam mo na yun ;) Tska wag mo masyado problemahin yung sa love love na yan. Basta wag natin problemahin. Enjoy lang.
I love you to the moon and back. God bless.
GUARD YOUR HEART
Stay baliw, bruha at loka loka.. =)))
Stay pretty my dear sister. ♥
Tingnan mo ang tagal na din, kitang kita pati yung jeje edit natin nung mga pictures. Sayo ko kinuha yan eh. hahahahaha labyu!
PS: Ang cheesy natin. Kinilig ka ba? Oh, wag kang maiinlove ah. YUUUUCK! Joke lang. I rebuke. =)) Alam ko namang may magagalit sakin. Chos. kadiri talaga, di ko na maTake. haha basta GYH GYH GYH. *u*
HAPPY NEW YEAR!! >:DD<
bv tong tumblr, ang liit nung mga pictures. Click mo nlng isa isa para lumaki. :)












