you and me against the world
Madaming beses ko na narinig 'yang linyang 'yan sa mga kanta, quotes, etc. Pero never ko naisipang magiging masama na ang tingin ko dyan. Jodit kasi eh.
Nung isang araw kasi, kumain kami ng mga ka-block ko sa UM (University Mall) at pagkatapos ay napagtripang kumain ng Korean ice cream. Ang sarap niya, by the way. Favorite namin 'yung MELONA.
eh ayaw pa namin umalis so nakatayo lang kami sa hallway, kumakain ng ice cream at nagkwekwentuhan, nang biglang mapadpad 'yung mata ko sa isang magsyota sa Big Better Burgers. Nandun sila nakaupo sa may bintana/salamin kaya kitang kita sila at kitang kita rin ang kanilang ginagawa. Lambingan Extreme!
Sanay naman ako sa ganyang eksena, kaso bigla akong nandiri kasi sumosobra na sila. Actually, sumosobra 'yung lalake, at si babae naman, walang pake. Binibigay naman niya sa lalake ang gusto nya. Maharot lang kasi. Napatigil ako sa pagkain ko ng ice cream dahil naghalikan sila, tapos ang tagal. Non stop kissing. Hanep, kuya. Kung titigil naman sila, eh napakalapit naman ng mga mukha nila sa isa't isa. At maya maya, ayun nanaman sila. Nandiri ako lalo kasi ibang klase pa 'yung hawak ng lalake dun sa babae.
Wala silang pake sa mundo eh. Sabi nga ni Jodit 'You and me against the world' ang motto nila. Chos. Nandiri lang ako kasi sana nahiya naman sila kahit kaunti lang. Pero feeling ko mahiyain na sila sa lagay na 'yon. Kung ganun sila sa public, paano pa kaya kung silang dalawa lang? Alam na.
Grabe, kuya. Di ka makapaghintay? Chos.