May nakita akong small family kanina sa mcdo. I guess pareho pang bata yung mag asawa. May cute silang baby. Maputi yung bata. Cute cute ng cheeks gustong gusto syang kargahin ng tatay nya. Kapag iiyak na sya or parang inaabot nya yung papa nya, binubuhat agad sya ng tatay nya. Itatayo pa nung guy tapos patatahanin. How i wished ill have one of these soon. Mejo nakakainggit lang. Haha ang saya nila tignan. Nakaupo na yung baby sa baby sit na prinovide ng crew ng mcdo. Magkatulong yung dalawa na paupuin yung baby nila sa upuan. Tapos alam nyo yung pareho silang focus dun sa pag aalaga sa bata? Ang cute lang. Ayun na. Umiiyak na namn yung bata. Binuhat na ng tatay nya. Sa wakas. Dumating na ang akin chicken fillet. Okay kain na meeee.










