Notice Me
Ito and pinaka unang beses na magsusulat ako dito sa tumblr at bakit nga ba ako gumawa nito, sa totoo lang gumawa ako nito dahil nakaramdam ako ng pagka pikon sa mga tropa ko at wala akong makausap ngayon na sa aking palagay ang pagsusulat dito kahit walang nakakabasa ang makakaibsan sa aking kakarampot na problema. Kakarampot na problema nga ba, ayaw ko sanang puro problema ang laman nito ngunit sa kasalukuyan yun ang meron ako. Ako nga pala si Harvey itago nalang natin sa pangalang polyethhyleneglycol (galing sa thesis namen hehe wala ako maisip na username eh) isang taong pumasok na sa kabilang yugto ng buhay bilang isang adult at nagbukas ang mas malawak na mapanghusgang mundo, ako nga pala ay nag tapos biglang isang Chemical Engineer at sa kasalukuyang nag hahanap ng trabahong magkakaroon ng sinasabing self fulfillment. Noon, akala ko pag tapos ko ng kolehiyo at pag pasa sa board exam magiging madali ang lahat pero sa kasalukuyan kabaligtaran ang aking naranasan, akala ko tapos na ang pang hihila sa akin ng mga tao pababa na mismong mga kamag anak at mga kaybigan mo pa ang gumagawa pero ngayon ito na naman nararanasan ko na naman. Meron akong kaisa isang trabahong pinapangarap, nangarap ako makapasok sa isang malaking kumpanya pero sa hindi ko alam na dahilan hindi ito nag rereply sa akin na dahil siguro sa akoy agresibo at mainipin dahil sa pag hahanap ng unang trabaho tumanggap ako ng isang trabaho na sa palagay ko ay magagampanan ko ng maayos ang trabaho pero pag laon ng araw bigla akong nakatanggap ng mensahe galing sa kumpanyang aking ninanais. Dali dali akong nag isip at pumili kelangan ko pumili at sumugal kung sakali at ang pinili ko ay iwanan ang aking trabaho para sumugal sa isang walang kasiguraduhang trabho. Tinawagan ako para sa isang pag susulit na ubod ng hirap pero hindi sa pagyayabang ay akin din namang nasagutan pero nung nag aabang na ako ng kanilang susunod na mensahe sinabing hindi daw ako makakapasok sa nais kong posisyon dahil sa tatlo kong bagsak noong college, I was really depressed that time and I even cried about it because i expected too much but as time goes by I realized that I must move on and I shouldn’t be stopped by those failures in life. Hindi ko alam kung bakit ako nag english doon pero yun ang aking naramdaman sa panahon na iyon. Hindi pa doon nag tatapos dahil ang mga kaybigan ko ay parang disappointed na disappointed sa akin na ako mismong taga dito hindi ko makuha ang trabaho na nandito mismo sa amin. Kung iisipin mo nakakahiya pero wala akong dapat ikahiya hindi ko alam kung bakit ako nahihiya eh pinag hirapan ko naman ito ako ang may alam ng paghihirap ko sa buhay. Pero yun lang kung nagbabasa ka parin hanggang dito salamat sayo pinakinggan mo ang hinaing ko sa buhay pa hug nga.
Ang aking mga natutunan:
1. Huwag magdesisyon ng padalos dalos gaya ng pagtanggap ko sa trabaho na una pa lamang ay may hesitation na ako. Basta may hesitation wag tumuloy.
2. Ang sarap ng buhay hindi nakukuha ng madalian, minsan kelangan mo ito pag hirapan, kelangan mo mag simula sa baba kung minsan at unti unti mong kuhanin.
3. Ang failures ay ok lamang dahil may matututunan ka at papatatagin ka nito.
4. Kelangan mo ifilter ang papasok sa tenga mo, itambay mo ang mag iinspire sayo at yung mga hindi magandang mga sinasabi patambayin mo lang ng kaunti at paalisin mo na din after mo marealize kung bakit ka may narinig na ganun.
5. At huli sa lahat, napakadaming opportunity dyan sa labas para sa akin hindi ko kelangan mag mukmok dahil sa hindi ko nakuha ang gusto ko which leads me to my last lesson.
6. Hindi dahil gusto mo makukuha mo ika nga ni bea at john lloyd lols
Last na talaga, kahit ganito ang nararamdaman ko ang simple simple ano hahaha pero medyo dinadamdam ko talaga eh pero kahit ano mangyare alam ko hindi ako pinapabayan ni Lord napaka lakas ko sa kanya wait lang daw kasi ako hahhaha ikaw talaga <3 Thanks Bro! I love you so much! :)















