Ulit-ulitin mo sa sarili mo na lahat ng naganap ay pagsubok lamang at hindi hudyat ng pagkatalo o pagkabigo.
Medyo Random

seen from Australia
seen from United States
seen from Lithuania
seen from Netherlands

seen from Singapore
seen from United States

seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from China
seen from China

seen from Lithuania

seen from Netherlands
seen from China
seen from Russia
seen from United States

seen from Hong Kong SAR China
seen from United States
seen from China
seen from China
Ulit-ulitin mo sa sarili mo na lahat ng naganap ay pagsubok lamang at hindi hudyat ng pagkatalo o pagkabigo.
Medyo Random
Gawa, Hinga, Pagkatapos Pahinga.
Dumating nanaman ang panahong naiipit ka
Sa kung ano nga ba ang dapat pairalin; tiyaga o pahinga?
Sa kung ano nga ba ang dapat sa utak ay ulit-ulitin; “suko na” o “kapit pa”?
Dumating na naman ang panahong 'tila ang pagpili ng isa sa pagitan ng dalawa ay maaaring magkulang o sumobra.
Malinggit-linggit na kinakain ng sistema ang iyong isipan;
Lingon sa kaliwa, lingon sa kanan.
Naghahanap ng sagot sa mga tao, mga bagay na nakikita, at sa kapaligiran
Isa...dalawa...buntong-hininga, naghahanap ng makakapitan.
Namulat ka sa mga katagang,
"Less walwal, more aral",
"Acads is life",
"Laude bago lande",
At sa mga tanong na,
"Isang gabi o isang taon?",
"Bagsak katawan o bagsak grades?",
Pero mas marami pa ata ang katumbas ng "minsan" sa mga pagkakataong inisip mong magpahinga o magpakasaya.
Sa pag-iisip kung paano makaaahon sa dagok na hinaharap,
Napaguhit ka ng mga hinuha patungkol sa kinabukasan,
Senyales na dulot ng mga nakalulungkot na kaganapan;
Na tila para sa iyo ay huli na at hindi na maaagapan:
Markang katumbas ng wala sa pagsusulit,
Propesor na tila sa literal na hinulog ng langit,
Mga asignaturang "pa-major" ayon sa karamihan,
At mga kaibigang 'di sinasadyang napalayo dahil katulad mo, sila ri'y humaharap sa hamon ng kinabukasan.
Pero, kaibigan, kahit na panandalian pilitin mong limutin muna ang lahat;
Isang araw, isang oras, o kahit labintatlong minuto,
Sarili mo muna ang isipin mo.
Magtiwala ka, hindi ka agad babagsak dahil dito.
Para sa'n pang mga matataas na marka kung ang kalusugan mo'y naiaalay na?
Katawan mo'y mas bagsak pa sa halamang nalalanta;
Pagod nang mag-isip at gumalaw pa;
Na tila isang tulak na lang ng nakababahalang gawain ay literal na bibigay ka na.
Magbigay ka ng sapat na pagod at ilaan ang natitirang lakas sa ibang bagay;
Mga bagay na napasasaya ka, na bumubuhay sa isipan mong pagod na.
Magpakasaya ka dahil ito'y naaayon lamang sa lahat ng pagod, hirap, at pawis na nailaan mo na.
Gawa...hinga...pahinga.
At pagkatapos mong mag-ipon ng lakas,
Bumalik ka.
Balikan mo ang mga naiwan na gawain nang may sapat na inspirasyon at lakas
Nang sa gayon ay mas makabuluhang likha ang iyong maibubunga.
Gawa, hinga, tapos pahinga.
Sa tamang panahon at pagkakataon,
Kapag isinama sa sistema ng pag-aaral ay magdudulot ng maganda.
At sa huli, masasabi mo sa sarili mo,
"Hindi lang ako basta nag-aral para makapagtapos. Masaya ako."
022817
Ibalik nating ang mga panahon kung kailan ang pagtula, paggawa ng akda, pagtanghal, at pagkanta ay hindi pa nawawala sa aking sistema.
- Medyo Random
Kapag Iniwan Ka Na Niya
Kapag iniwan ka na niya ‘wag mo na siyang habulin pa. Hindi maiibsan ang sakit ng mga salitang nabitiwan niya kapag lumingon siyang muli sa ‘yo. Hindi iinit muli ang nanlamig na damdaming sa puso niya'y bumabalot. Kailangan mong tanggapin na wala na, na tapos na, na kailanma'y hindi na muling maibabalik pa.
Kapag iniwan ka na niya at hinabol mo siya’t naabutan mo pa ‘wag kang magmakaawa. Bagkus ay magpasalamat ka dahil sa wakas ngayon hindi ka na nakatali sa maling lubid. Magpasalamat ka dahil malaya ka na. Magpasalamat ka dahil may pagkakataon ng muli upang matagpuan mo ang taong karapat-dapat na ibigan ka.
Masakit maiwan ngunit mas masakit ang mamuhay habambuhay sa mapanlinlang na pag-ibig. Darating ang panahon at maiibsan din ang sakit, maghihilom ang sugat, at matutuyo ang luha. Darating ang panahon na magiging maayos ka rin. Darating ang panahon na ang walang hanggan na napunta sa wala ay muling magsisimula…pero sa pagkakataong ito iba na ang iyong kapiling.
Kapag iniwan ka na niya ngunit mahal mo pa rin siya, kamuhian mo siya. Kahit labag sa kalooban mo kamuhian mo siya. Palitan mo ng galit ang natitirang pag-ibig kahit na saglit. At sa mga oras na iyon unti-unting mag-iiba ang iyong nararamdaman para sa kanya.
Huminga ka. Malalim. Ipikit ang iyong mga mata At mag-isip.
Puso mo pa ba ang umiibig o ang utak mo na lamang? Mahal mo pa ba talaga o iniisip mo lang na mahal mo pa dahil nasanay ka? Mahal mo siya, Eh ikaw, mahal ka ba?
Ang sagot, hindi na. Kaya sa mga oras na ito ‘wag mo nang ipilit pa. Maaaring mahal mo pa siya pero siya tapos na. Masaya na siya sa piling ng iba.
Hindi ka na niya mahal. Ang apoy ng dati ninyong pag-ibig ay namatay na. Ang musikang nagsisilbing tagusan ng pag-ibig ninyong dalawa noon ngayo'y ingay na lamang. Ang dating “Mahal kita” ngayo'y naging “Paalam na.”
Ang dating “Hindi kita iiwan” ngayo'y “Kailangan ko nang lumisan.” Ang dating umagang puno ng pagmamahalan ngayo'y ordinaryong araw na lamang. Ang dating “kayo” ay naging “siya at ikaw” Ang dating walang hanggan ay nagkaroon na ng hangganan.
Kapag natapos ang talata at mahal mo pa rin siya, Manalig ka sa Kanya. Dahil kung kaya kang sukuan ng taong lumisan, Siya'y hinding hindi ka bibitawan.
Sa Pagitan ng “Paalam” at “Pahiram”
Natagpuan ko ang sarili kong muli,
Nag-iisip, nagtatanong, nagmumuni.
Tama nga bang manatili ka pa sa aking tabi?
Ganung ikaw na mismo ang may nais umalis at umiba ng gawi.
Sinagot ko ang sarili kong katanungan at “oo” ang aking sinambit.
Marahil hindi na nga tama na sa piling ko’y manatili ka pa,
Na sa piling ko’y manirahan ka,
Na ang “mahal kita” ay paulit-ulit na sambitin pa.
Marahil ito na ang oras na iyong hinihintay:
Ang oras na ang pahintulot kong ika’y kumalas na ay aking maibigay.
Paalam na lamang ang huli mong binanggit
Wala man lang pasalamat o kahit huling sambit ng mga salitang minsan nating pinagpalitang bigkasin.
Dalawang salita, siyam na letra,
Ganun nga bang kahirap para hindi mo na muling sabihin pa?
Nais ko lang naman na sa huling pagkakataon ay marinig ang mga salita
Habang ang mga mata mo ay sa aking mga mata ri’y tumatama.
Pero katulad nga ng sinabi ko, mahal.
Pinararaya na kita.
Pero hindi ibig sabihin ay binitiwan na kita.
Pinararaya kita dahil alam kong sa akin ay hindi ka na masaya.
Pinararaya kita dahil sabi mo na nahihirapan ka na.
Pinararaya kita dahil pakiramdam mong ang dating mainit na yapos sa pagitan nating dalawa ay nanlamig na.
Pinararaya kita dahil para sa’yo ang ating walang hanggan ay patapos na; na ang tatapos ay ikaw mismo pala.
Pinararaya kita dahil sabi mo hindi ka na masaya.
Pinararaya kita dahil sa lakas ng sigaw ng puso mo sa pangalan ng iba.
Pinararaya kita, mahal.
Pinararaya kita dahil mahal kita.
Pero uulitin ko sa huling pagkakataon.
Pinararaya kita, pero hindi ibig sabihin ay binitiwan kita.
Kung pahihintulutan mo ako sa aking hiling
Nais ko lamang na kahit ngayon na lamang ay marinig mo ang aking mga saloobin.
Mahal, sandali. Sandali lang.
Pahiram ng kaunting oras, pahiram ng isang saglit.
Kahit isang saglit, mahal, makinig ka.
Pakinggan mo ang boses ng taong inibig mo noon na hanggang ngayo’y iniibig ka.
Mahal, mahal kita.
Mahal pa rin kita.
Ikaw pa rin ang hinahanap ko sa tuwing gigising ako sa umaga
At ikaw rin ang huling dalangin ko kapag ako’y hihiga na sa aking kama kung saan hinehele kita gamit ang malaanghel na musika.
Ikaw ang tinta na humahalik sa aking papel sa tuwing ako’y gagawa ng tula dahil mahal, ikaw ang laman at ang inspirasyon ko sa bawat obra.
Ikaw ang hangin na sa aki’y bumubuhay.
Ikaw ang liwanag sa madilim kong tulay.
Ikaw ang init sa apoy ng pag-ibig na sa puso ko’y namuhay.
Ikaw na sana ang habambuhay.
Sa pagitan ng paalam at pahiram mahal nakatayo ako.
Litong-lito sa kung anong daan nga ba ang dapat na tahakin ko.
Sa paalam na tuluyan ng magtatapos ng walang hanggang ating ipinangako?
O sa pahiram, kahit na alam kong hindi na ako ang isinisigaw ng puso mo?
Alas Tres ng Umaga
Alas tres ng umaga naisip kita. Kamusta ka na? Tulog ka na kaya? Naging masaya ba araw mo? Ewan ko. ‘Di ko alam.
Alas tres ng umaga naramdaman kita. Ang lambot ng kamay mo sa tuwing sinusukat mo ang mga daliri mo sa daliri ko’t didikit sa palad kong basa. Ang mahigpit na yapos mo noong mga araw na nakakapit pa tayo sa isa’t isa. Magkasama, masaya, maligaya.
Alas tres ng umaga narinig kita. Ang boses mo na tila ba'y himig sa tainga kong nasasabik sa musika. Ang tinig ng pag-ibig sa bawat “mahal kita” na salita. Ang tono ng awiting palaging mong inaawit noong tayo pa.
Alas tres ng umaga, mahal. Ganun nga bang kaaga para matawag na ‘umaga’? O ‘di kaya'y masyado ng gabi para isipin ka pa? maramdaman ka pa? at marinig ka pa?
Ibalik natin ang oras saglit. Sa panahong maayos pa ang lahat, Sa panahong tila ang dalawampu’t apat na oras ay 'di sapat Para sa ating dalawang umiibig ng tapat.
Dati-rati masyado pang maaga ang alas-tres bago tayo magpaalam upang matulog at magpahinga. Hindi alintana ang pagsikat ng araw para sa mga walang kapararakang bagay na nais nating ibahagi sa isa’t isa. Lumaki man pareho ang mga bagahe sa ating mga mata, Para sa atin masyado pang maaga ang alas tres ng umaga.
Naaalala mo pa ba? 'Yung mga umaga na sinubukan nating pasukin ang puso ng isa’t isa? Tinanong mo ako kung mahal kita at tinanong rin kita. Hindi tayo nabigo sa sagot ng isa’t isa dahil pareho pala talaga.
Sa tagal ng ating samahan napuno ng mga magagandang alaala ang bawat alas tres ng umaga. Sinimulan natin sa pagpaplano sa ating hinaharap, Sa pagbibigay solusyon sa mga pagsubok na ating tinatahak, Sa pagtama ng mali nating dalawa, Hanggang sa pagtatapos sa istoryang “Tayo” ang pamagat.
Alas tres ng umaga ng nagkasagutan at nagkasumbatan. Napuno ng masasakit na salita ang puso nating dalawang nagmamahalan. Wasak, bigo, lito, at luhaan. Alas tres ng umagang iyon, mas pinili mong sumuko kaysa lumaban.
Taliwas man sa nararamdaman pinili kong ika'y pakawalan. Kumalas sa hindi na nakayapos mong katawan. Humihingi ng pag-asa sa kawalan. Naghahanap ng rason at mapaninindigan.
Saksi ang haring araw at ang buwan Sa lahat ng luhang aking pinakawalan. Patuloy pa rin sa paghilom sa puso kong sugatan Kahit na ang dating ipinaglaban ay tuluyan ng lumisan.
Alas tres ng umaga, dati masyado pang maaga. Pero ngayon iibahin ko na. Kung dati'y maaga pa para maisip, maramdaman, at marinig ka, Ngayo'y masyado ng gabi para sa isipan ko'y sumagi ka pa.
Alas tres ng umaga masyado ng gabi; Gabi na para isipin ka’t maramdaman ka’t marinig ka. Sa pagkakataong ito, alas tres ng umaga, Hayaan mong ako naman.
Ako naman ang kakalas sa 'tayong’ una mong binitawan. Ako naman ang magbabaon sa pangako nating hindi tayo mag-iiwanan kailanman. Ako naman ang tatapos sa ating walang hanggan. Kahit na alam kong nauna ka na, hayaan mong ako naman.
Alas tres ng umaga ngayon, pasensya na kung hindi ko maipapangako pero susubukan ko. Sa mga oras na ito tuluyan na akong magpapaalam sa lahat ng alaala nating binuo. Paalam sa istoryang dating “Ikaw at Ako” na ng lumaon ay naging “Tayo”. Paalam sa wasak na ako at paalam sa'yo; taong minahal ko.
Hindi ako magaatubiling gawin lahat ng ito Dahil napagtanto ko na sa sugal na ito ikaw ang panalo at ako ay talo. Paalam sa iyo, sa taong minahal ko. Sana'y patuloy kang ring lumigaya dahil magpapatuloy na rin ako sa buhay ko.
Alas tres ng umaga, mahal. Alas tres ng umaga tayo nagsimula. Alas tres ng umaga rin tayo nagwakas. Alas tres ng umaga naganap ang lahat. Alas tres ng umaga, wala na, tinatapos ko na.
Paalam sa mga puso nating minsang pinag-isa.
ABAKADA ng Tanga
*Disclaimer: Inspired lang po ako sa Spoken Word Poetry artists na pinanood ko kanina. Kung nagkataon mang tugma ang mensahe ng tula sa pinagdadaanan ninyo ngayon ay pawang nagkataon lamang at ako'y walang pinatatamaan. Maraming salamat!*
——
A…akala mo siya na. Akala mo masaya siya. Akala mo panghabambuhay na. Akala lang pala.
BA…bakit ka kasi umasa? Kasi sabi niya mahal ka niya? Na wala siyang iba? Na ikaw lang ang nag-iisa sa buhay niya? Tanga ka. Oo, tanga ka.
KA…kahapon lang nangako ka sa sarili mo na kalilimutan mo na siya, Ang mga alaala ninyong dalawa; masaya at magkasama Pero heto ka ngayon, Patuloy na lumuluha dahil sa lumisan na lang siya na parang bula.
Pinipilit mo ang sarili mong paniwalain na DA…darating siyang muli. Yayakapin ka. Hahagkan ka. Mangangako ng bagong simula Kahit alam mo na mismo na walang pagbabalik ang magaganap pa.
E…“Ewan.” , “‘Di ko alam.”, at “Bahala na.” Ang mga katagang lumalabas mula sa labi mo sa tuwing tatanungin ka kung “Kaya mo pa ba?” , “Hanggang kelan kang ganyan?”, “Mahal mo pa ba?” at “Anong pakiramdam maging tanga?”
GA…gago siya. Gago ka. Oo, gago siya kasi iniwan ka niya ng sugatan, luhaan, wasak. Wasak na wasak. Pero mas gago ka kasi mas pinili mong maghintay sa wala kaysa muling buksan ang puso para sa iba.
HA…HAHAHAHA. Tumawa ka! Malakas! ‘Yung tipong aabot sa mga bituing tinitingala niyo noon sa kalangitan. Magsaya ka! Hindi mo ba nakikita? Malaya ka na. Mas malaya pa sa ibong lumilipad at dumadapo sa punong nakatanim sa ibaba.
Hayaan mo rin akong tumawa. “HAHAHA”. Tatawa ako kasi ako mismo ay minsan ng naging tanga.
I…ito ngayon at nayuko. Hawak ang isang papel at lapis, nagsusulat ng tula Para sa mga katulad kong umasa at ngayon ay natatanga.
Patuloy ang pag- LA…lamon ng mga alaalang tumatak sa puso’t isipan kasama ang pangako na walang hanggan. Umiiyak, nagmamakaawa, na sana hindi na lang nag-
MA…mahal ng lubos at buo na sa sarili ay walang itinira.
NA…namamanas sa mga oras na ito ang kamay at nais nang tumigil sa pagsulat nitong tula pero mas pipiliin ko na
NGA…ngayon na. Walang ng ibang O…oras ang mas nararapat pa. Wala ng araw o gabi ang palalagpasin pa.
Hindi pa PA…pagod ang puso’ t isip ko kaya hayaan mo ako na ngayon, Sa huling pagkakataon, hihiling ako na
SA…sana magbalik ka. Sana muli mong hawakan ang aking kamay at sabay tayong maglakad sa ilalim ng buwan at humiga sa damuhan habang pinag-uusapan ang ating walang hanggan. Sana sa pagkakataong ito umayon sa akin, sa atin ang tadhana. Sana sa'kin ka na lang ulit. Sana tayo na lang ulit.
Ito na… Huli na… Patawarin mo ako dahil mas pipiliin ko na sa isa pang pagkakataon ako'y magpapaka-
TA…tanga sa pag-ibig. Pangako, huli na.
U…unawain mo sana, mahal. Mas gugustuhin kong maging tanga sa huling pagkakataon kaysa umahon. Oo, alam kong hindi ka na babalik.
Pero WA…wala na akong ibang maisip pa na paraan upang makapiling kang muli Kung ‘di ang magpakatanga at hintayin ang oras na ikaw naman ang luhaan dahil ikaw ang umasa. At sa mga oras na ‘yon umasa kang muli…umasa ka na matatagpuan mo akong masaya. Nando'n sa dulo. Nag-aabang habang nakalatag ang kamay at braso, naghihitay sa muling pag-
YA…yakap mo. Sa pagbigkas mo ng mga matagang “Pasensya na at iniwan kita.” “Pasensya na at umiyak ka.” “Mahal kita…mahal na mahal.” “Wala ng iba pa.”
Hanggang sa muli, mahal. Umaasa ako na babalik ka…
Ikaw Ang Rosas Ko
Tuwa at pagtataka ang aking nadama
Nang ang rosas ay iniabot sa akin ng biglaan.
Parang noong araw na sa buhay ko ay dumating ka
At ako'y nagtaka dahil hindi ko ito inaasahan.
Sa labis na tuwa at kasabikang makuha
May isang bagay na nangyari at hindi ko inakala
Sa pagkuha ko ng rosas ako'y nasaktan
Nang sa palad ko'y bumaon ang tinik na bumabalot sa kanyang katawan.
Tinik na tanda ng mga sakit na hindi ko tinignan
Noong magdesisyon akong ika'y tanggapin at ituring na akin.
Tinik na bumaon sa palad kong wala pang bahid ng sakit
Na nag-iba dahil sa mga markang naiwan noong ika'y aking mahalin.
Kagaya ng pagtanggap ko sa rosas,
Handa ako sa lahat ng mangyayari.
Masasaktan kung masaktan,
Liligaya kung liligaya.
Handa ang palad kong tumanggap ng kahit ilang tinik pa
Basta’t ang mahalaga ay akin ka.
Ikaw ang rosas ko,
At nasa iyo ang puso ko.