Buti Pa Ikaw…
Nakita ko 'tong meme na 'to sa FB tapos napatawa ako nang malakas! Kasi may naalala ako na actually nangyari sa akin. So, here's my version... it happened during my 2nd week as a Med-Surg Nurse sa isang hospital sa Sta. Rosa, Laguna. Trying to be competent pero I ended up being The Bad Guy. Early morning rounds ko nun at pumasok ako sa isang supposed private room pero pag-bukas ko ng pinto... hindi siya hospital room, siya ay PARANG PIYESTA. As in, siksikan na ang mga visitors... friends, relatives, may mga bata pang nag-a-acting out ng It's Showtime segment. Ang ingay! Hindi ko talaga ma-identify sino ang patient dahil walang naka-hospital gown, may mga visitors pa na nakahiga sa kama at ang daming nakaharang, hindi ko makita 'yung IV lines!
Kailangan kong kumuha ng atensiyon! Sabi ko sa sarili ko, Be authoritative! Sound like you own the place! So, I took the deepest breath of my life, hahah... channeled my inner Strict Dad at nilakasan ko talaga boses ko with matching bass pa, just to cut through the noise! Tinawag ko yugn surname ni pastient! The room went into a terrifying silence at ang patient (na nakaupo at iritable) ay tumingin sa akin with pure contempt. Nag-assessment ako, feeling ko justified ako dahil sa ingay nila. Hindi ko pa alam that time pero ex-military pala 'tong patient na 'to!
The next day, bumalik ako. Tahimik na ako, maingat mag-salita, low-key, professional. Nag-chika pa kami habang nagpo-process ng discharge niya. Then, bigla niya akong sinabihan... Nurse, buti pa ikaw, maayos makipag-usap. Di gaya nong lalaking unang pumasok rito kahapon. Akala mo kung sino matapang, lakas ng boses noong hinahanap ako e! Ayoko sa kanya. Ikaw na lang mag-visit rito. Guys, I swear, my whole existence flashed before my eyes! The "lalaki" that was matapang and maingay... WAS ME. Ako 'yun! Ako 'yung kinaiinisan niya! Ang galing ko magrole-play at na-convince ko pati siya na iba ako!
Ang dilemma ko... Umamin ba ako at mag-explain sa ex-military na patient o mag-smile na lang at tatanggapin ang compliment niya sa present self ko? I chose SILENCE. Nag-nod lang ako, I smiled wider and secured my spot as his favorite nurse. Never again na nilakasan ko boses ko sa hospital. Lesson learned... The universe has a funny way of making you pay for your crimes and sometimes... the best defense is just to shut up and smile.













