Nakakapanghinayang na minsan. Minsan lang naman//
Yung todo effort ka, todo post ka ng kung ano ano sa twitter na tungkol sainyo, todo isip ka ng pick up line or joke, todo sulat ka ng letter, todo gawa ka ng paraan para makita at makasama lang sya...Kasi gusto mong maramdaman nyang mahal mo siya, kasi gusto mo siyang maramdaman na proud ka sakanya, kasi gusto mo siya mapangiti, kasi gusto mong ipaalala sakanya na siya ang mahal mo, kasi halos sakanya na umikot ang mundo mo. Pero ayun, baliwala lang sakanya. Onting mali mo lang, halos bitawan ka na. Hindi nya maappreciate. Para sakanya normal thing na lang yung mga ginagawa mo. Hindi nya naisip kung gano kahalaga sayo yun. Sabagay, pag nageffort ka nga naman, wala kang karapatan humingi ng kapalit, kahit thank you. Kasi choice mo naman yun.











